From Kalanaw News (May 5, 2023): Namatay na NPA Balaban Kalinga, Nakilala na mga labi nasa pamilya na (NPA Balaban Kalinga has died, identified remains have been given to the family)
CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela – Tinukoy na ang pagkakakilanlan ng napatay NPA sa nangyaring bakbakan sa Barangay Poswoy, Balbalan, Kalinga noong ika-3 ng Mayo 2023.
Positibong tinukoy ng mismong kapamilya ang napaslang na NPA member na si Baliwag Boccol o kilala sa kilusan sa alyas na ‘Ka Bombo’. Napag-alaman na siya ay miyembro ng Squad Uno ng Komiteng Larangang Gerilya Baggas, Ilocos Cordillera Regional Committee. Siya ay mula sa Brgy Nambucayan, Tabuk City, Kalinga.
Pasado alas sais kagabi (May 04, 2023) nang ipasakamay ng 50th Infantry Battalion ang mga labi ni Boccol sa Balbalan Municipal Police Station. Agad itong dinala sa TAMPCO Funeral Homes, Dagupan, Tabuk City, Kalinga. Saksi sa pagpapasakamay sa mga labi ng NPA si PCPT MARTINEZ, Chief Of Police ng Balbalan MPS at PCpl Sano ng RMFB kasama ang ilang mge residente.
Ang kamatayan ni Boccol ay pinakabagong naidagdag sa listahan ng mga pangalan na humantong sa malagim na kamatayan dahil maling prinsipyong ikinintal sa kanyang isipan ng Bagong Hukbong Bayan ng Partido Komunista ng Pilipinas.
Nakilala ang 67 taong gulang na NPA na masayahin at palangiti, ngunit patay na si Baliwag Boccol. Kailanman hindi na makikita ng kanyang mga kapamilya at kaibigan ang masayahing personalidad. Hindi na maririnig ng kanyag kamag-anak ang kinasasabikang malulutong na halakhak. Lahat ng ito ay minsanang ninakaw ng maling ideolihiya ng CPP – NPA.
Sa kabila ng tagumpay ng kampanya ng kasundaluhan laban sa insurhensiya sa lalawigan ng Kalinga ay ikinalungkot ng pamunuan ng Kalinga Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ang kamatayan ni Boccol.
Dahil dito, muling nanawagan ang ng Kalinga PTF-ELCAC sa mga iilan na natitira pang kasapin ng CPP-NPA na tanggapin ang sinserong alok ng pamahalaan para makapagbagong buhay, matamasa ang tunay na kapayapaan kasama ang pamilyang matagal nang umaasam sa kanilang pa-uwi para madama ang init ng kanilang mga yakap.
Samantala, narekober ng 50th Infantry Battalion sa ilalim ng 503rd Infantry Brigade ang 13 bunkers ng humigit kumulang 20 rebelde. Nasamsam sa pinagyarihan ng engkwentro ang isang M16 rifle, dalawang short magazine na kargado ng bala, apat na backpacks, isang Improvised Explosive Device Detonator, tatlong Blasting Caps, apat na Command Detonated Explosives, Medical Kits at mga subersibong dokyumento.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]
https://www.kalinawnews.com/%F0%9D%90%8D%F0%9D%90%80%F0%9D%90%8C%F0%9D%90%80%F0%9D%90%93%F0%9D%90%80%F0%9D%90%98-%F0%9D%90%8D%F0%9D%90%80-%F0%9D%90%8D%F0%9D%90%8F%F0%9D%90%80-%F0%9D%90%92%F0%9D%90%80-%F0%9D%90%81%F0%9D%90%80/?fbclid=IwAR28EFA5I-GKIsqLqRqSbSzEroCZy2mCz_1omF3TL4DTWSdkK1mnUeG3zAM
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.