Friday, May 5, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Mga rebolusyonaryo at progresibo, muling sinensor ng Twitter at Facebook

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (May 4, 2022): Mga rebolusyonaryo at progresibo, muling sinensor ng Twitter at Facebook (Revolutionaries and progressives, once again censored by Twitter and Facebook)
 




May 04, 2023

Sunud-sunod na sinuspinde o binantaang isuspinde ng Twitter at Meta, kumpanyang may-ari ng Facebook, ang rebolusyonaryo at progresibong mga akawnt sa mga platfom nito mula nakaraang linggo.

Pinakahuli dito ang pag-restrict o paglimita ng Meta sa Facebook account ng Bulatlat kahapon, Mayo 3, sa araw mismo ng malayang pamamahayag. Ayon sa alternatibong website, nakatanggap ito ng pabatid bandang alas-5:30 ng hapon na nagbabanta na matatanggal ang pahina dahil sa mga “paglabag” nito sa “community standards.” Arbitraryong tinanggal ng Meta ang isang panayam nito kay Benito Tiamzon, yumaong tagapangulo ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas na isinagawa noong panahon ng usapang pangkapayapaan sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Bago nito, sabay-sabay na sinuspinde ng Twitter ang mag akawnt ng Philippine Revolution Web Central (@prwc_info3), Ang Bayan (@angbayan1969) at ni Marco Valbuena, upisyal sa impormasyon ng PKP (@marco_cpp). Kasamang tinanggal sa ere ang ilampu pang mga progresibo at rebolusyonaryong akawnt sa loob at labas ng bansa. Ito ay matapos lumaganap sa mga platform na ito ang anunsyo ng PKP ng pagkamatay ng mga lider nito na sina Benito at Wilma Tiamzon at panawagan para imbestigahan ang brutal na pagpaslang sa kanila ng mga pwersa ng AFP at ng US.

Kinundena ni Valbuena ang walang katapusang pangsesensor ng Twitter sa nilalaman ng rebolusyonayong kilusan. Aniya, bahagi iyon ng permanenteng panggigipit laban sa PKP at iba pang grupo para patahimikin ang mga pwersang anti-imperyalista at pigilang lumaganap ang rebolusyonaryong mensahe sa bansa.

Ang panggigipit ng Twitter ay tiyak na sinulsulan ng gubyernong Marcos at US, ani Valbuena. “Inilalantad nito na huwad ang sinasabing ‘absolutong kalayaan’ na diuamano’y paninindigan ng Twitter, at bahagi ng tumitinding panunupil sa kalayaan sa pamamahayag sa ilalim ng pandaigdigang paglakas ng pasismo.”

Mula pa 2018 paulit-ulit na sinisikil ng Twitter at Facebook, gayundin ng Youtube, Google at iba pang social media platforms ang PRWC at ang buong lambat ng mga rebolusyonaryong akawnt kung saan dumadaloy ang balita ng brutalidad ng AFP sa kanayunan at paglilinaw ng Bagong Hukbong Bayan sa mali at mapanirang mga pahayag ng AFP laban dito.

Isinasangkalan ng mga mga platform na ito ang arbitraryo at di makatarungang pagbansag ng US at papet na gubyerno ng Pilipinas sa PKP at BHB bilang mga “terorista” para bigyan-katwiran ang pangsesensor nito sa mga usaping umaapekto sa malaking bahagi ng mamamayang Pilipino. Nitong huli, higit pang pinahigpit ng Twitter ang pangsesensor at arbitraryong pagtatanggal ng mga post sa tinawag nitong mga “dog whistle” o mga post na diumano’y “nakakoda” para “ilusot” ang mga “panawagan para sa karahansan ng mga ekstremista.”

Tulad sa nakaraan, iginigiit ng rebolusyonaryong kilusan ang karapatan nito sa malayang pamamaayag at pagpapahayag para isiwalat ang tunay na kalagayan ng mamamayang Pilipino sa mga platform na ito. Sa ngayon, maaaring i-follow ang PRWC sa Twitter sa @prwc_info4. Maaari ding tingnan ang website nito sa philippinerevolution.nu at blog na prwcinfonewsroom.wordpress.com

https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-rebolusyonaryo-at-progresibo-muling-sinensor-ng-twitter-at-facebook/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.