Sunday, May 14, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Pagtatalaga kay Sara Duterte bilang co-vice chair ng NTF-Elcac, malawakang binatikos

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (May 13, 2022): Pagtatalaga kay Sara Duterte bilang co-vice chair ng NTF-Elcac, malawakang binatikos (Appointment of Sara Duterte as co-vice chair of NTF-Elcac, widely criticized)
 




May 13, 2023

Kabi-kabilang batikos ang inabot ni Sara Duterte matapos italaga siya ng mga alipures ng kanyang ama bilang co-vice chairperson ng korap at pasistang National Task Force-Elcac. Bwelta ng ACT Teachers party-list, tiba-tiba na naman si Duterte dahil kokopoin niya ang bilyun-bilyong condifdential at intelligence fund sa pagkakatalaga niya sa ahensya.

“Sa pagkakatalaga niya…magkakaroon siya ng awtoridad sa higit na malaking confidential at intelligence fund liban pa sa kontrolado na niyang pondo sa Department of Education at Office of the Vice President,” pahayag ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

Giit ng mambabatas, “yan ang problema sa NTF-ELCAC at whole-of-nation approach, magagamit talaga ang buwis ng taumbayan sa mga di magandang gawain na walang ideya ang mamamayan for what, how, when, who and where exactly.”

Aniya, “mamamalayan mo na lang mataas na ang bilang ng mga kaso ng red-tagging at lahat ng kaakibat nitong mga paglabag sa karapatang-tao tulad ng ekstrahudisyal na pagpaslang, pagdesaperasido at panggigipit sa mga kritiko.”

Ayon naman kay Kabataan Rep. Raoul Manuel, “di ito magandang pangitain para sa academic freedom at pagtanggol sa mga ahensyang sibilyan mula sa pagiging militarisado. Dapat mapagpalaya, di mapanupil, ang edukasyon.”

Kilala si Duterte sa labis na mapanupil na mga patakaran nang nanungkulang alkalde ng Davao City at ngayo’y pangunahing nangigipit sa mga guro at estudyante bilang kalihim ng DepEd.

“Mahirap matuto habang may pasok during the hot dry season. Kulang pa rin ang sahod ng mga guro at kawani. Kulang ang mga silid-aralan. May laptops na dapat pinamigay sa mga guro pero binenta na lang sa retail stores. Di ba ito ang mga dapat unahin ng pamunuan ng DepEd?” giit ni Rep. Manuel.

Samantala, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan-National Capital Region, “like father, like daughter” ang kahihinatnan ng pagkakatalaga ni Duterte sa NTF-Elcac. Tulad ng amang si Rodrigo Duterte, anila, pareho ang rekord at intensyon nila ng panggigipit sa mga progresibong indibidwal at organisasyon.

“At ngayon sa pagkakatalaga sa ahensya…ipagpapatuloy lamang niya ang sinimula ng kanyang diktador at pasistang ama. Mangangahulugan ito ng panganib at takot sa mamamayan ng bansa,” giit ng Bayan-NCR.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/pagtatalaga-kay-sara-duterte-bilang-co-vice-chair-ng-ntf-elcac-malawakang-binatikos/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.