Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (May 14, 2022): Warrant of Arrest laban sa “Northern Luzon 7,” ipinawalambisa (Warrant of Arrest against the "Northern Luzon 7," dismissed)
May 14, 2023
Ipinawalambisa ng Bangued Regional Trial Court Branch 2 ang mga warrant of arrest na inilabas laban sa tinaguriang “Northern Luzon 7” na kinabibilangan ng mga aktibista at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo na sinampahan ng kasong rebelyon noong Enero. Inilabas ng korte ang desisyon noong Mayo 11 na nagsasabing hindi naman pinangalanan ng mga nakaligtas sa ambus noong Oktubre 2022 sa Abra ang pitong indibidwal.
Ayon sa Cordillera People’s Alliance (CPA), “sa katotohanan, hindi nila kailanman mapapangalanan [ang pito] dahil wala naman silang kinalaman sa naturang insidente.”
Ang Northern Luzon 7 ay kinabibilangan nina Jennifer Awingan, Sarah Abellon-Alikes, Stephen Tauli, Windel Bolinget, Lucia Lourdes Gimenes, Nino Joseph Oconer, at Florence Kang. Sila ay mga aktibista at progresibo mula sa rehiyon ng Cordillera at Ilocos.
Ang pito ay idinadawit sa isang ambus ng Bagong Hukbong Bayan noong Oktubre 27, 2022 sa Sitio Kutop, Barangay Gacab, Malibcong, Abra.
Nagpasalamat si CPA Chairperson Windel Bolinget sa mga sumuporta sa kanilang pito at nagkampanya para sa agarang pagbabasura at resolusyon ng kaso. Aniya, “ang kaso ng rebelyon/insureksyon laban sa amin ay walang batayan at gawa-gawa.”
Dagdag pa ni Bolinget, sana ito na ang huli sa mga gawa-gawang kasong isinampa ng estado laban sa kanya, kanyang mga katrabaho at lahat ng mga aktibista. Giit niya, “dapat nang kagyat na matigil ang judicial harassment, redtagging at terrorist-tagging, at lahat ng porma ng paglabag sa karapatang-tao.”
Ayon kay Beverly Longid, national convenor ng Katribu Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas, “habang natutuwa tayo sa pagbasura sa gawa-gawang kaso laba sa Northern Luzon 7, nananawagan din tayo sa pagpapalaya kina Mary Joyce Lizada at Arnulfo “Ompong” Aumentado, [mga kasapi ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan] mula sa kamay ng militar sa Camp Capinpin sa Rizal.”
Gayundin, ipinanawagan ni Longid ang kagyat na paglilitaw kina Dexter Capuyan at Gene Rox Jamil “Bazoo” de Jesus, mga tagapagtanggol ng karapatan ng katutubo sa Cordillera na dinukot ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Abril 28.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/warrant-of-arrest-laban-sa-northern-luzon-7-ipinawalambisa/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.