May 11, 2023
Kinundena ng mga kabataan ang pinaplanong paglulunsad ng isang palaro sa hanay ng mga kadete ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Visayas sa susunod na dalawang buwan. Inianunsyo ang naturang aktibidad noong Mayo 5 sa isang pagtitipon sa kampus ng Cebu Technological University (CTU) sa Cebu City kung saan dumalo ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines.
Naunang itinakdang ilunsad ang aktibidad sa kampus ng University of the Philippines-Cebu ngunit napigilan at napaatras ito ng mga kabataan at estudyante ng UP-Cebu. Naglunsad ng pakilos ang komunidad ng UP Cebu noong Mayo 5 para magbarikada laban sa nakatakdang oryentasyon.
Samantala, mahigpit na kinundena ng grupo ng kabataan na Anakbayan ang inilunsad na oryentasyon sa CTU. Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng 300 kadete at mga upisyal ng AFP at Commission on Higher Education. Ang mga kalahok sa oryentasyon ay pinaglunsad ng drills at ibinilad sa kainitan ng araw.
“Naalarma…ang mga kabataan sa aktibidad na inilunsad sa loob ng isang unibersidad dahil mistulang giangawang normal ang presensyang militar sa kampus sa kabila ng tumitinding panawagan ng mga estudyante laban sa mga pag-atake sa kanilang kalayaang pang-akademiko,” pahayag ng Anakbayan.
Dagdag pa nila, ang mga palaro ay dapat masaya at makapagtataguyod ng pag-unlad sa malikhaing mga paraan, ngunit “ang ROTC games ay instrumento…para lamang pagtakpan ang madugong kasaysayan ng ROTC at korap na mga gawain nito.”
Ginagamit din umano itong paraan para padulasin ang paglulusot sa isinusulong ng rehimeng Marcos Jr na “mandatory ROTC.” Anila, walang maidudulot ang programang ito kundi pagsupil sa kritikal na pag-iisip at pagmamanman sa mga estudyanteng kritikal at bumabatikos sa anomalya.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/nakatakdang-rotc-games-sa-isang-kampus-sa-visayas-binatikos/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.