Sunday, May 14, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Magsasaka sa Kabankalan city, dinakip ng 94th IB

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (May 14, 2022): Magsasaka sa Kabankalan city, dinakip ng 94th IB (Farmer in Kabankalan city, arrested by 94th IB)
 





May 14, 2023

Dinakip ng mga sundalo ng 94th IB ang magsasakang si Allan Ramos sa Sitio Dangalon, Barangay Hilamonan, Kabankalan city noong Mayo 11 ng hapon. Pinalalabas ng militar na naaresto si Ramos matapos ang isang engkwentro sa pagitan nila at yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Ayon sa ulat mismo ng mga residente, walang engkwentrong naganap sa lugar at ang mga sundalo lamang ang walang patumanggang nagpaputok sa bahay ng magkapatid na Tisoy at Allan Ramos sa naturang sityo. Ayon pa sa kanila, nagtatakbo ang magkapatid at ibang mga kapitbahay dahil sa takot.

Pinalalabas ng 94th IB na nagkaroon umano ng 20 minutong engkwentro sa naturang lugar. Tulad ng dating gawi, nagpakana pa ito na mayrooong narekober ang kanilang tropa na mga armas, bala, bakpak at mga kagamitang militar ng BHB.

Matapos ang pagpapaputok, dito na dinampot ng militar si Allan Ramos. Hindi pa natutukoy ng mga kaanak kung saan siya dinala.

Labag ito sa mga alituntunin ng internasyunal na makataong batas at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na pinirmahan ng Gubyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines.

Nilabag nito ang Ika-4 na Bahagi, Artikulo 4, Numero 4 ng CARHRIHL: “Ang sibilyang populasyon at mga sibilyan ay itatrato bilang sibilyan at ipag-iiba sa mga mandirigma at, kasama ang kanilang ari-arian, ay hindi maaaring atakihin. Sila ay pangangalagaan laban sa walang habas na pambobomba mula sa himpapawid, istraping, panganganyon, pagmomortar, panununog, pambubuldoser at iba pang katulad na anyo ng pagwasak sa mga buhay at ari-arian, paggamit ng mga pampasabog gayundin ng pag-iipon ng baril, bala, pampasabog atbp. sa malapit sa kanila o sa gitna ng hanay nila, at sa paggamit ng mga sandatang kemikal at bayolohikal.”

https://philippinerevolution.nu/angbayan/magsasaka-sa-kabankalan-city-dinakip-ng-94th-ib/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.