May 28, 2023
“Di konstitusyunal” ang hakbangin ni Ferdinand Marcos Jr na sertipikahang “urgent” ang panukalang Maharlika Investment Fund, ayon kina Atty. Neri Colmenares ng Bayan Muna at Sen. Koko Pimentel. Sa gayon, hindi dapat sundin ng mga senador ang atas ni Marcos na ipasa ito bago magsara ang regular na sesyon ng Senado.
Ayon kay Atty. Colmenares, “abuso sa kapangyarihan ng upisina ng presidente” ang ginawang sertipikasyon ni Marcos. Ginawa ito para ikutan ang konstitusyunal na rekisito kung saan kailangan ng tatlong pagdinig ang isang panukala bago ito aprubahan. Saklaw lamang ng ganitong awtoridad ang mga panukalang nakatuon sa mga kalamidad, pandemya o iba pang kalagayang pangkagipitan, aniya.
“Anong emergency sa publiko o kalamidad na tinutugunan ang Maharlika Investment Fund?” tanong ni Sen. Pimentel. “Hindi ba pangmatagalan ang pamumuhunan sa pondong ito?” Aniya, aabutin ng lima hanggang 10 taon bago matamasa ng mamamayan ang mga benepisyo, kung magkakaroon man.
Umalma rin si Sen. Chiz Escudero na nagsabing “talon sa kawalang-katiyakan” ang MIF. Kinwestyon niya ang kakayahan nitong kumita ng mas malaki sa kinikita ngayon ng mga bangkong pagkukunan ng pondo. Tinutukoy niya ang Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines, na kumikita ng abereyds na 6% mula sa mga pamumuhunan nito sa kasalukuyan. Tanong niya, makatitiyak ba na mas mataas ang kikitain ng MIF mula sa ₱75 bilyong pondo na kinikita nito ngayon mula sa pamumuhunan.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/sertipikasyong-kagyat-ng-panukalang-mif-di-dapat-sundin/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.