Sunday, May 28, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Piket kontra-kwari sa Silay City, isinagawa ng mga magsasaka

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (May 26, 2022): Piket kontra-kwari sa Silay City, isinagawa ng mga magsasaka (Anti-quarry picket in Silay City, carried out by farmers)
 





May 26, 2023

Nagpiket sa harap ng Provincial Environment Management Office (PEMO) sa Bacolod City ang mga magsasaka ng Silay City noong Mayo 19 para ipanawagan ang pagpapahinto sa mga operasyong kwari na nangyayari sa kanilang syudad. Ayon sa mga magsasakang kinatawan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Negros, wala pa ring aksyon ang lokal na gubyerno sa mapaminsalang operasyong kwari na nagsasapanganib sa kanilang kabuhayan at kaligtasan.

Sa protesta, ibinahagi ng mga residente ng Baragay E Lopez at Hacienda Macamig 3 ang kanilang pangamba sa masamang epekto ng operasyong kwari sa lugar na nagsimula noong 2019. Anila, nagagambala sila ng ingay ng mga trak na naghahakot ng buhangin. Nasira din ang kanilang sistema sa irigasyon na dahilan ng paghina ng inaani, dagdag nila.

Nangangamba rin ang mga magsasaka sa posibleng epekto nito sa kalikasan laluna sa panahon ng tag-ulan na maaaring magpalubha ng pagbaha sa maraming barangay.

Isiniwalat din ng mga magsasaka ang panloloko sa kanila ng mga upisyal ng barangay na nagpapirma sa kanila ng “attendance sheet” sa isang aktibidad na ginamit para pahintulutan ang naturang operasyong kwari.

Kasabay ng protesta, nakipagdayalogo ang mga kinatawan ng magsasaka sa mga upisyal ng PEMO. Matapos ang pag-uusap, nangako ang PEMO na iimbestigahan nito ang kwari at bibisita sa lugar ng kwari.

Sa ulat ng lokal na alternatibong midya noong 2021, may limang operasyong ang umiiral sa syudad. Pag-aari ang naturang mga operasyon ng malalaking negosyanteng sina Jerry Sy na nagmamay-ari ng Silver Dragon, Juan Miguel Gomez, Emilio Jose Gaston, Perseus Causing, at Sandra Encarnacion Sisip. Ang mga ito’y ilan lamang sa pinatatakbo ng daan-daang opereytor ng kwari sa 3rd district ng Negros Occidental.

Ang dala nitong malawakang pagkawasak sa kalikasan at kabuhayan ng masa ang dahilan kung bakit may ilang ulit nang nagsagawa ng armadong aksyon ang Bagong Hukbong Bayan.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/piket-kontra-kwari-sa-silay-city-isinagawa-ng-mga-magsasaka/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.