May 01, 2023
Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro ang tatlo-kataong tim ng 4th IB sa Lipitan, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro noong Abril 25. Napatay sa naturang aksyon si Pvt. Mayu-ay Onaw habang nakatakas ang dalawa niyang kasamahan. Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .45 pistola na may dalawang magasin at selpon.
Sa ulat ng BHB-Mindoro, tiniyak ng mga Pulang mandirigma na hindi madamay ang apat pang sibilyan na naroon sa lugar ng ambus. Taliwas ito sa kasinungalingan pinalalabas ng 4th IB na pinaputukan ang mga sibilyan at piniringan pa ang mga ito.
Paliwanag pa ng yunit, ang ambus laban sa pasistang sundalo ay “nagsisilbing paggawad ng rebolusyonaryong hustisya” dahil sa pagkakasangkot ng mga sundalo ng 4th IB na walang tigil na naghahasik ng teror sa timog ng Mindoro, lalo na sa hanay ng mga katutubong Buhid.
Imbwelto si Pvt. Onaw sa mga operasyong kombat na ginagamit sa paggiya at pagsama sa mga operasyong search and destroy, paniktik, sapilitang nagpapasuko at tortyur sa mga kapwa niya katutubo.
Liban dito, isa din siyang masugid na galamay sa pagrerekrut ng CAFGU sa hanay ng mga Hanunuo at Buhid sa mga bayan ng Rizal at San Jose, Occidental Mindoro ayon sa yunit ng BHB.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/tropa-ng-4th-ib-inambus-ng-bhb-sa-occidental-mindoro/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.