February 15, 2023
Nanawagan ang mga grupong tagapagtaguyod sa karapatang-tao na igalang ang karapatan ng isang dating estudyante ng De La Salle University (DLSU) na ayon sa ulat ng pulis ay nadakip sa isang labanan sa Baggao, Cagayan noong Pebrero 13 ng hapon.
Ayon sa grupong Karapatan-Cagayan Valley (CV), dapat igalang ng 5th ID at mga pulis ang karapatan ni Orion Yoshida—kombatant man siya o sibilyan—alinsunod sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at International Humanitarian Law. Si Yoshida ay nagtapos ng kursong AB Political Science sa DLSU.
Ayon sa mga ulat, sumiklab ang labanan sa pagitan ng Armed Forces Philippines at Bagong Hukbong Bayan sa Sityo Nangbaggayan, Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan noong Pebrero 13 ng hapon.
Iginiit ng Karapatan na dapat agarang bigyan ng medikal na atensyon at igalaang ang kanyang karapatan na malayang mabisita at makausap ng pamilya at piniling abugado. Dapat ding tiyakin na ligtas siya sa anumang banta ng harasment, tortyur (sikolohikal at pisikal), at intimidasyon.
Si Yoshida ay kasakuluyang nasa kustodiya ng AFP sa Camp Melchor F. Dela Cruz Station Hospital sa Gamu, Isabela.
Nanawagan rin ang Karapatan-CV at ang pamilya sa Commission on Human Rights at International Committee of the Red Cross na agad puntahan at alamin ang kasalukuyang kalagayan ni Yoshida sa poder ng militar. “Marami nang insidente ng paglabag sa karapatang pantao ang 5th Infantry Division sa mga sugatan, wala nang kakayahang lumaban, at mga sibilyan sa mga probinsya ng Cagayan Valley,” diin ng grupo.
Nananawagan ang grupo na alamin ang kalagayan ng mga residente ng apektadong komunidad. Sa paunang ulat, umabot sa 68 pamilya ang nagbakwit sa daycare center ng Barangay Sta. Margarita. Mayroon ding mga ulat ng mga nasirang pananim sa bahaging nilapagan ng helicopter ng militar.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/karapatan-ng-dinakip-ng-pnp-sa-cagayan-dapat-kilalanin/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.