Wednesday, February 15, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Durog ang puso ng mga guro sa pagpapabaya ng DepEd

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda article posted to the Philippine Revolution Web Central site of the Communist Party of the Philippine (Feb 15, 2023): Durog ang puso ng mga guro sa pagpapabaya ng DepEd (The teachers are heartbroken by DepEd's negligence)
 





February 15, 2023

Naglunsad ng protesta ang mga guro sa pangunguna ng kanilang unyon na Alliance of Concerned Teachers-National Capital Region (ACT-NCR) sa pambansang upisina ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City kahapon, araw ng mga puso, para ipabatid kung gaanong kadurog ang kanilang puso sa pagbabaya ng ahensya sa kanilang kalagayan.

Hiling ng mga guro sa ahensya na dinggin ang kanilang mga panawagan para sa dagdag na sweldo, mga benepisyo tulad ng Performance Based Bonus para sa 2021 at Overtime Pay para sa nagdaang mga akademikong taon. Liban dito, giit nila ang pagbabawas ng mga trabaho sa pagtuturo at non-teaching na tungkulin ng mga guro sa eskwelahan.

Ayon sa ACT-NCR, ito ang “lagay ng kanilang mga puso” at kagyat nilang hiling ang “makabuluhan at mabilis” na aksyon ni DepEd Secretary VP Sara Duterte. “Tumaas ang presyo ng tinapay kahapon, mayroong inaasahang pagtaas ng pasahe sa LRT, at hindi magawang kontrolin ng gubyerno ang sumisirit na implasyon. Ang kailangan namin ay makabuluhang dagdag sweldo,” pahayag ni ACT NCR Union President Ruby Bernado.

Nagdala ng malalaking plakard na hugis puso ang mga guro sa kanilang protesta. Ipinakita ng mga plakard na ito ang “broken heart” dahil sa nakalulungkot na kalagayan ng sektor. Nagbuo rin sila ng malalaking karakter na hugis “SG15” gamit ang mga bulaklak na kanilang natanggap mula sa kani-kanilang mga estudyante bilang regalo sa araw ng mga puso. Simbolo ito ng panawagan nilang itaas sa Salary Grade 15 na entry-level na sweldo para sa mga bagong guro, mula sa kasalukuyang Salary Grade 11.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/durog-ang-puso-ng-mga-guro-sa-pagpapabaya-ng-deped/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.