Saturday, January 21, 2023

Kalinaw News: Halos tatlong taong dekada sa kilusang NPA sumuko sa Militar

Posted to Kalinaw News (Jan 7, 2023): Halos tatlong taong dekada sa kilusang NPA sumuko sa Militar (CPP/NPA leader  who spent almost three decades in the NPA movement surrenders to the military (By 2ID)



Brgy Murtha, San Jose, Occidental Mindor – Kusang loob na sumuko sa 68th Infantry (Kaagapay) Battalion sa pamumuno ni LTC MARLON T SALVADOR INF (GSC) PA, Acting Battalion Commander si Nonito Panado @ Chai/Jay/Lennon/Cha/Baynaw, Political Guide (GP)/Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) organizer, Platoon Uno, ISLACOM Mindoro na dalawampu’t pitong (27) taong kumilos sa New People’s Army (NPA) at kalaunay naging Leader ng Local na Yunit Guerilya (LYG) sa loob ng walong taon sa Isla ng Mindoro. Ang nasabing rebelde ay napabilang din sa most wanted na personalidad sa Rehyon ng 4B. Kasabay nito, isinuko din niya ang isang Cal. 45 pistol at dalawang (2) magazines na may laman na labing-anim (16) na bala.

Ngayong araw, pormal na iniharap ni LTC SALVADOR kasama ang hanay ng kapulisan sa pangunguna ni PLTCOL JENY P MAGAN ang nasabing nagbabalik-loob kay Hon. Eduardo B Gadiano, Gobernador at Chairman ng PTF-ELCAC sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Ang boluntaryong pagsuko ng nasabing rebelde sa Kaagapay Battalion ay batay sa tiwala at sinseridad na ipinapakita ng kasundaluan sa mga nais magbalik-loob sa pamahalaan na walang karahasan na mangyayari o kinakatakutan. Napapanahon din ang pagsuko ng nasabing rebelde ngayung bagong taon na syang lubos na nagpaligaya at nagbigay galak sa kanyang pamilya na nawalay ng matagal na humigit kumulang na dalawang dekada.

Buong puso namang tinanggap ni Hon. Gadiano ang pagbabalik-loob sa gobyerno at lipunan ng dating rebeldeng komunista at tiniyak na ito’y tutulungan sa mga tuntuning legal at iba pang mga kinakailangan para sa mapayapa at bagong paraan ng pamumuhay.
Samantala, ang mga kasundaluhan ay patuloy na nanawagan sa mga natitirang kasapi ng NPA na magbalik loob na sa pamahalaan upang makapiling ang pamilya at magkaroon ng mapayapang pamumuhay sa ilalim ng pagabay ng Gobyerno gamit ang Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) kung saan ang isang miyembro ng rebeldeng grupo na magbalik-loob ay may matatanggap na agarang tulong pinansyal, remuneration ng baril na ang halaga ay nakabatay sa kondisyon ng armas na isusuko at iba’t ibang pangkabuhayan.




Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/halos-tatlong-taong-dekada-sa-kilusang-npa-sumuko-sa-militar/?fbclid=IwAR2QuRGPqh8QAK1PKpT3Z4XPF77FYeTWAQu_nusD5QMDqmg3dqzKv9ipyoc

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.