Thursday, December 15, 2022

CPP/NPA-Ilocos-Cordillera ROC: Hinggil sa engkwentro ng BHB at AFP sa Tinglayan, Kalinga

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Dec 14, 2022): Hinggil sa engkwentro ng BHB at AFP sa Tinglayan, Kalinga (Regarding the NPA and AFP encounter in Tinglayan, Kalinga)
 


NPA-Kalinga
Ilocos-Cordillera Regional Operational Command (Chadli Molintas Command)
New People's Army

December 14, 2022

Disyembre 08, 2022, bandang alas-dos ng hapon naganap ang engkwentro sa pagitan ng isang tim ng mga Pulang Mandirigma ng Lejo Cawilan Command (LCC-NPA Kalinga) at isang yunit ng Philippine Army (PA) sa Sitio Balay, Barangay Tulgao West, Tinglayan, Kalinga. Hindi pa kumpirmado ang bilang ng kaswalti sa bahagi ng kaaway habang walang natamong anumang pinsala ang BHB.

Pagkatapos ng ilang segundong labanan, halos dalawang oras pang nagpaulan ng bala at pasabog ang PA kahit pa wala naman ng BHB sa nasabing lugar ng engkwentro. Bago pa nito dalawang magkakasunod na araw na nagpapalipad ng mga helicopter ang kaaway sa magkakanugnog na baryo ng Tulgao at Colayo. Disyembre 09, halos anim na oras na nagpalipad ng reconnaissance plane ang kaaway sa paligid ng nasabing mga baryo.

Ang nasabing engkwentro ay nangyari sa kasagsagan ng operasyon ng PA sa lugar kontra di-umano sa iligal na pagtatanim ng marijuana. Malaking kabalintunaan na silang mga nag-ooperasyon ang mismong pasimuno rin ng paglaganap ng mga taniman ng iligal na marijuana sa lugar. Panahon na naman ng pag-aani ng PA ng marijuana na pinsala at perwisyo naman ang dulot sa masa. Sa aktwal, maraming kalapaw at uma ng masa ang kanilang ni-reyd, ninakawan at sinira. Dalawang masa ang iligal na hinuli at idinetine ng kaaway ng halos tatlong araw at kinumpiska ang isang .22 calibre na riple na gamit ng mga ito sa pangangaso.

Ang lahat ng kalabisan at kalapastanganang ito ay nagdulot sa masa ng matinding takot hindi lang sa kanilang buhay ngunit maging sa kabuhayan nila. Hindi sila makapunta sa kanilang mga taniman upang magproduksyon, takot silang mangaso sa kagubatan dahil baka hulihin sila at gawing giya ng mga nag-ooperasyong kaaway. Labag din sa kanilang karapatan ang pagkakampo ng mga militar sa kanilang barangay hall, eskwelahan at simbahan.

https://philippinerevolution.nu/statements/hinggil-sa-engkwentro-ng-bhb-at-afp-sa-tinglayan-kalinga/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.