Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Dec 15, 2022): Maramihang pangingibang-bansa ng mga nars, pinangangambahan (Mass emigration of nurses, feared)
December 15, 2022
Nangangamba ang Filipino Nurses United na maramihang aalis ang mga may karanasang nars matapos ang alok ng New Zealand ng “residency” (permanenteng paninirahan) at mas mataas na sahod sa sinumang nars na handang magtrabado doon. Gayundin ang pahayag ng Philippine Nurses Association na nagsabing posibleng maapektuhan ang operasyon laluna ng mga pribadong ospital kung mangyari ang maramihang pangingibang-bansa ng mga nars.
“Ilang dekada na nating nakikita ang maramihang migrasyon ng mga nars sa ibang mga bansa na nag-aalok sa kanila ng mas maiinam na oportunidad sa trabaho,” pahayag ng FNU noong Disyembre 14. Sa datos mismo ng Department of Health, 316,405 sa 617,898 rehistradong Pilipinong nars o mahigit kalahati (51%) ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa kabuuang rehistrado, 28% lamang o 172,589 ang may lokal na trabaho. Ang mga nars na ito, laluna yaong may karanasan sa malalaking ospital, ang madalas na hinahanap ng ibang bansa.
“Matindi ang pangangailangan ng bansa natin para sa mga serbisyo na ginagampanan ng mga nars at iba pang serbisyong pangkalusugan,” ayon sa FNU. Napakaraming nars sa Pilipinas, anito, pero hindi sila ipinapaloob sa sistema ng pampublikong kalusugan para tugunan ang pangangailangan ng bansa. Sa isang pagdinig sa Kongreso noong Nobyembre 21, napag-alaman ng grupo na 27,777 lamang na pusisyon ang ibinukas ng pambansang gubyerno at hindi pa ito lahat napupunan.
Para lutasin ang maramihang pangingibang-bayan ng mga nars, giit ng FNU na itaas ang batayang sweldo nila tungong ₱50,000 kada buwan, kasabay ng pag-empleyo ng dagdag na 52,000 nars sa mga pampublikong ospital at pagregularisa ng lahat ng mga kontraktwal na nars. “May sapat na mga nars ang Pilipinas kung iprayoritisa lamang ng gubyerno ang kalusugan sa pambansang badyet,” ayon sa grupo.
Sa ngayon, pinakamataas na ang ₱570 arawang sahod ng mga nars na nasa pribadong sektor. Ang minimum sa sweldo naman sa mga pampublikong ospital ay umaabot sa ₱35,000 kada buwan. Bagamat relatibong mas mataas ito kumpara sa pribadong sektor, dumaranas ang mga nars sa pampublikong sektor ng sobra-sobrang pagtatrabaho at patient overload (labis na dami ng pasyente).
“Hanggang patuloy na pinababayaan at inaabuso ang mga mangggawang pangkalusugan… sa napakababang sweldo, pinagtitiis sa palagian at matinding understaffing (kakulangan sa tao) na nagreresulta sa mas mahahabang oras ng duty nang walang karampatang kumpensasyon at overtime pay, overload sa trabaho at mga pasyente, mas marami pang mga Pilipinong nars ang matutulak na magtrabaho sa ibang bansa,” ayon sa FNU.
Samantala, hindi ineenganyo ng World Health Organization ang pagkuha ng mayayamang bansa ng mga manggagawang pangkalusugan sa mga bansang mahirap ang kalagayan ng sistemang pangkalusugan. Bagamat hindi kasama ang Pilipinas sa 47 bansang “restricted” o bawal bawasan ng mga manggagawang kalusugan, hinihikayat sa Code of Practice ng WHO na gabayan ng “etika” ang mga bansang nag-eempleyo ng mga dayuhang nars. Isa ang United Kingdom na pinupuna ng sariling mga nars sa pagiging “overreliant” sa mga nars mula sa mga bansang may kritikal na kakulangan ng mga manggagawang pangkalusugan.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/maramihang-pangingibang-bansa-ng-mga-nars-pinangangambahan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.