December 15, 2022
Magkakasunod na mga protesta at pagtitipon ang inilunsad ng mga grupo ng kabataan simula Disyembre 12 para tutulan at pigilan ang pagraratsada sa bagong panukalang magbabalik ng mandatory ROTC o Reserve Officers’ Training Corps sa bansa. Ayon sa mga grupo, anumang ‘baryant’ o ipangalan sa pasistang programa, sisingaw pa rin ang baho at kabulukan nito.
Isinusulong ngayon sa House of Representatives ang bagong panukalang National Citizens Service Training Program (NCSTP) o House Bill 6486 na nabuo matapos konsolidahin ang 27 mga panukala para ibalik ang mandatory ROTC. Sa ulat ng Kabataan Party List, minamadali ito para mailusot bago magsara ang sesyon ng Kongreso ngayong taon.
Unang naglunsad ng protesta sa Mendiola ang mga grupo ng kabataan sa pamumuno ng ‘No to Mandatory ROTC Network’ noong Disyembre 12 ng umaga sa Mendiola, Manila. Humiga sila sa kalsada bilang simbolikong protesta laban sa programa na magdudulot ng pagkamatay ng demokratikong karapatan ng mga kabataan. Sinundan ito ng isang press conference ng mga grupo ng kabataan sa University of the Philippines-Diliman sa araw ding iyon.
Nagpiket naman sa harap ng House of Reprensentatives sa Quezon City ang mga kabataan noong Disyembre 14 kasabay ng pagdinig sa naturang panukala. Ipinalalaganap ng network ang isang petisyon para tutulan ang panibagong pakanang ito ng gubyerno.
Ani Jandeil Roperos, tagapangulo ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), “Alam nilang [gubyerno] mabaho ang Mandatory ROTC kaya pinalitan nila ng pangalan. Pero tulad ng Covid-19, kahit anong variant, peste pa rin ito sa mamamayan.”
Isiniwalat naman ni Lance Avery Alo, convenor ng No to Mandatory ROTC Network, na sa panukalang ito, “AFP ang magsusupervise, ROTC cadets ang magtuturo at ang magtatapos nito ay automatic na bahagi ka ng AFP Reserved Force. Wala ring exemptions dito.”
“Malinaw po na ang NCSTP ay Mandatory ROTC sa ibang pangalan at parehong abuso at pasakit din ang hatid nito sa kabataan. Di kami papayag na isagasa ito ng Kongreso!” pagdidiin pa niya.
Binatikos din ng PUP Central Student Council ang dagdag gastos na ipapataw nito sa mga estudyante at kanilang magulang. “Panigurado magkakaroon ng dagdag na mga tuition at miscellaneous fee dahil sa NCSTP na ito. Dagdag pa rito yung mga dapat bilhin na mga uniporme, equipment, at pamasahe, panigurado bubutas lang ng bulsa ng mga ordinaryong estudyante,” ayon kay Benhur Quequeggan ng PUP Central Student Council.
Kinastigo naman ng La Salle for Human Rights and Democracy ang dagdag pahirap na workload o asikasuhin sa eskwela kung maipatutupad ito. Nangangamba rin sila at ang iba pang mga grupo sa pang-aabuso, diskriminasyon at karahasang idudulot nito sa loob ng mga eskwelahan. Papatayin din umano nito ang akademikong kalayaan ng mga estudyante dahil tuturuan lamang silang maging kimi, sumunod sa utos at huwag kwestyunin ang atas sa kanila.
Naipatigil ang mandatory ROTC noong Enero 2002 kasunod ng mga protestang sumiklab matapos ang pagkamatay ni Mark Welson Chua, 19 anyos na estudyante ng University of Sto. Tomas, noong Marso 2001 sa kamay ng kapwa upisyal sa ROTC ng pamantasan. Isiniwalat noon ni Chua ang mga anomalya, korapsyon at pang-aabuso sa loob ng UST ROTC, dahilan para pag-initan at gantihan siya ng mga upisyal nito na sinipa at inalis sa pusisyon.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/pagratsada-sa-bagong-baryant-ng-mandatory-rotc-tinutulan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.