Saturday, January 15, 2022

MBLT-3 namahagi ng tulong sa Roxas mula sa donasyon ng mga foundation

From Palawan News (Jan 15, 2022): MBLT-3 namahagi ng tulong sa Roxas mula sa donasyon ng mga foundation (By Alex Baaco)

Photo courtesy of MBLT-3

Namahagi ng tulong sa mga residenteng nasalanta ng bagyong Odette sa Brgy. San Miguel sa munisipyo ng Roxas ang Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) mula sa mga indibidwal at foundation sa bansa noong Enero 14.

Una rito ay nakapagbigay din ang Marines ng tulong sa mga residente ng Brgy. Tinitian sa natura pa rin na bayan noong Enero 12 sa pamamagitan ng pamumuno nina Maj. Ryan Lacuesta, commander ng MBLT-3, at Brig. Gen. Jimmy Larida, commander ng 3rd Marine Brigade (MBde) sa ilalim ng direktiba ng Western Command (WESCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon kay 1Lt. Maria Cristina Mojica.

Sa Brgy. San Miguel, ang mga ipinamahaging tulong na 112 relief goods para sa seniors at 25 hygience kits para sa mga kabataan, at 35 na reading glasses ay sama-samang tulong mula sa kay Henry Dumasig, ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation, Alagang Kapatid Foundation, Makati Medical Centre Foundation, GT Foundation at NDRRMC.



Sa Brgy. Tinitian, ang relief operation ng MBLT-3 ay nakapagkaloob naman tulong sa 100 households at 100 na kabataan.

“Ang mga donasyon na ipinamahagi po ng MBLT3 ay mula din po sa iba’t ibang indibidwal, pribadong organisasyon at ilang ahensya ng gobyerno na nais magpaabot ng tulong sa mga mamamayan ng lalawigan ng Palawan na higit na nasalanta ng bagyong Odette,” ayon pa kay Mojica.

https://palawan-news.com/mblt-3-namahagi-ng-tulong-sa-roxas-mula-sa-donasyon-ng-mga-foundation/



No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.