From Palawan News (Jan 15, 2022): 2nd SOU-MG tree planting activity, isinagawa sa Brgy. Sta. Lourdes (By Ruil Alabi)
Nasa 30 punong kahoy ang itinanim ng mga kawani ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) sa isinagawang tree planting activity sa Sitio Magarwak, Barangay Sta. Lourdes, sa lungsod ng Puerto Princesa, nitong araw ng Huwebes, Enero 13.
Ayon kay P/Lt. Anna Viola Abenojar, public information officer ng 2nd SOU-MG, ang aktibidad na ito ay bilang bahagi ng unti-unting pagpapalit sa mga nabuwal na puno sa lungsod, dulot ng nagdaang bagyong Odette.
Dagdag niya, bahagi rin ito ng kanilang programa sa environmental protection and conservation para sa mga komunidad na magiging malaking tulong hindi lamang sa tao kundi maging sa mga buhay ilang na naninirahan sa kagubatan.
“Environmental protection is one of the PNP Maritime Group’s missions, and in addition to enforcing maritime laws, we hope to plant more trees in collaboration with other government agencies and non-government organizations. This will also help raise awareness and encourage the community, that now is the time to save our planet earth,” pahayag ni Abenojar.
Dagdag pa niya, dahil sa maraming puno ang nasira matapos manalasa ang bagyong Odette ay ang pagtatanim at reforestation ang isa sa mga pangunahing aktibidad na tutukan nila sa mga munisipyo, lalo na sa bahaging norte ng lalawigan na muling magkaroon ng mga bagong puno sa tulong ng kanilang mga hanay, mga barangay at komunidad.
Sunod-sunod din ang kanilang isinagawang coastal cleanup sa lungsod ng Puerto Princesa at sa lalawigab sinula noong unang linggo ng Enero, upang linisin ang mga dalampasigan at tanggalin ang ilang mga basurang iniwan ng bagyo.
https://palawan-news.com/2nd-sou-mg-tree-planting-activity-isinagawa-sa-brgy-sta-lourdes/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.