Tuesday, February 16, 2021

Tagalog News: Pamamahagi ng rice assistance sa mga decommissioned MILF combatant nagsimula na

From the Philippine Information Agency (Feb 16, 2021): Tagalog News: Pamamahagi ng rice assistance sa mga decommissioned MILF combatant nagsimula na (By PIA Cotabato City)

LUNGSOD NG COTABATO, Peb. 16 (PIA)-- Nagsimula nang mamahagi ng rice assistance ang pamahalaang nasyunal, sa pamamagitan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), Bangsamoro Government, Task Force for the Decommissioned Combatants and their Communities (TFDCC), at United Nations Development Programme (UNDP), sa mga decommissioned na Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatant.

Sa unang batch ng pamamahagi kamakailan, abot sa 106 na decommissioned MILF combatants ang nakatanggap ng ayuda sa ginanap na seremonya sa Camp Darapanan sa Sultan Kudarat, Maguindanao. Nabatid na ang tulong ay bahagi ng decommissioning package.

Samantala, nilinaw ni OPAPP Undersecretary David Diciano ang ilan sa mga isyu na may kaugnayan sa normalization package. Aniya, ang isang milyong pisong package ay hindi ibibigay ng buong cash, sa halip ay hahatiin ito sa iba’t-ibang components tulad ng scholarship, training, at iba pang socio-economic assistance. Ito naman ay bukod pa sa P100,000 cash na ibinigay sa bawat combatant.

Nabatid na nasa kabuuang 40,000 dating MILF combatants ang nakatakdang ma-decommission hanggang makumpleto ang normalization process.

Sa ngayon,12,000 MILF combatants o 30 porsyento na ang na-decommission sa second phase sa ilalim ng Annex on Normalization of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB). (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from BIO-BARMM).

https://pia.gov.ph/news/articles/1066956

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.