Tuesday, February 16, 2021

Kalinaw News: Peace rally sa Brgy. Bural, sa Zinundungan Valley, nilahukan ng mahigit 300 residente

From Kalinaw News (Feb 16, 2021): Peace rally sa Brgy. Bural, sa Zinundungan Valley, nilahukan ng mahigit 300 residente



TUGUEGARAO CITY – Nasa mahigit 300 residente ng Barangay Bural, Zinundungan Valley, sa bayan ng Rizal, Cagayan ang nakiisa sa isinagawang peace rally kamakalawa.

Layon ng aktibidad na pinangunahan ni Barangay Captain Evelyn Baloran na itaboy ang mga miyembro ng rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa kanilang lugar.

Bilang pagpapakita sa kanilang katapatan sa gobyerno ay sabay-sabay na nanumpa ang mga residente at nangakong tuluyan nang itakwil ang CPP-NPA sa kanilang lugar.

Sinunog din ng mga ito ang bandila ng CPP-NPA-NDF bilang tanda ng kanilang pagtalikod at pagtatakwil sa rebeldeng grupo.Sa pamamagitan din ng isinagawang peace rally, naglabas ng kanilang hinaing ang ilang residente sa mga pang-aabuso at pananakot na ginagawa ng mga makakaliwang grupo.

Kabilang dito si Ginang Venancia Gayagos na nawalan ng anak dahil sa panlilinlang ng mga rebeldeng CPP-NPA. Bukod dito ay isa pang katutubong agta ang nawawala na pinaniniwalaang sumampa rin sa kilusan.Samantala, tiniyak naman ni LtCol Angelo Saguiguit, Commanding Officer ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army, na kabalikat ng mga residente ang kanilang hanay sa mga programa at aktibidad upang maisulong ang kapayapaan at kaunlaran hindi lamang sa bayan ng Rizal kundi sa kanilang buong nasasakupang mga lugar.


https://www.kalinawnews.com/peace-rally-sa-brgy-bural-sa-zinundungan-valley-nilahukan-ng-mahigit-300-residente/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.