Propaganda article posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 27, 2020): Paglingkuran ang sambayanan! Mobilisahin ang mga pwersa sa pagtugon sa kalamidad at pangangailangan ng bayan!
PATNUBAY DE GUIASPOKESPERSON
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
OCTOBER 27, 2020
Muling nananawagan ang pamunuan ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog sa lahat ng mga kasapi at kaalyado nitong organisasyon na mobilisahin ang sariling hanay para magsagawa ng relief and rehabilitation sa mga lugar at pamayanan sa rehiyon na labis na tinamaan at sinalanta ng magkasunod na bagyong Pepito at Quinta. Inaabisuhan ang mga nakatayong komite at grupo sa kalamidad at sakuna ng mga kasaping organisasyon ng NDFP-ST at mga lokal na organo ng Pulang kapangyarihang pampulitika sa antas baryo, bayan at distrito na pangunahan muli ang pag-oorganisa at pagsasagawa ng mga operasyong relief and rehabilitation sa mga biktima ng kalamidad ng bagyong Pepito at Quinta.
Higit kailangan ngayon ang maramihang pagpapakilos sa ating mga kasapi, boluntirs at kaibigan para gumampan ng gawain sa relief and rehab at iba pang anyo ng humanitarian aid dahil sa lawak at tindi ng pinsala sa mamamayan ng rehiyon dulot ng dalawang magkasunod na bagyo, lalo na ang bagyong Quinta, kung saan direktang tumama ang bagyo sa malaking bahagi ng kalupaan ng rehiyon. Kailangan nating mabilis na makapagtipon ng mga tao na aatupag sa pangangalap ng mga rekurso mula sa mga indibidwal na kasapi ng rebolusyonaryong kilusan, sa mga kaibigan at alyado ng NDFP sa loob at labas ng bansa lalo na sa hanay ng mga kababayan nating migrante at overseas Filipino workers, sa mga intistusyong relihiyoso at pang kawang-gawa, sa mga kababayan nating nakaririwasa at mga pilantropo. Kailangan din natin ang maraming bilang ng tao at boluntirs para sa repacking at paghahatid ng mga nakalap na pagkain at rekurso sa mga nasalanta at biktima ng bagyong Pepito at Quinta.
Ang New People’s Army at mga saligang rebolusyonaryong organisasyon sa kanayunan ng rehiyon ay kasalukuyang abala sa pag-aasikaso at pagtulong sa mga biktima lalo na ng bagyong Quinta. Nauna na nilang inilagay sa pinakamataas na alerto at inihanda ang buong pwersa para sa pagtugon sa emerhensya dahil sa paparating na bagyong Quinta.
Dahil sa lawak at tindi na dulot ng dalawang bagyo sa mamamayan ng rehiyon at iba pang lugar sa bansa, malaking panahon ang kailangang igugol natin lalo na sa rehabilitasyon ng mga nasirang tahanan at napinsalang mga ari-arian at kabuhayan ng ating mga kababayan. Sikapin natin na mabigyan ng pinakamataas na prayoridad sa iba pa nating mga rebolusyonaryong gawain ang pagtulong sa pag-aayos at pagkukumpuni sa mga nasirang tahanan at kabuhayan ng ating mga kababayan. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para matulungan ang ating mga kababayan na makabangon mula sa pinsalang dulot ng mga bagyong Pepito at Quinta. Subalit kailangang isagawa natin ito nang hindi binibitawan ang mataas na alerto at pagbabantay mula sa patraydor na atake ng pasistang AFP at PNP na gagamitin ang sariling mga relief mission upang atakehin ang hukbong bayan at rebolusyonaryong mamamayan.
Kahit sa panahon ng mga kalamidad, sakuna at pandemyang Covid-19, patuloy at walang lubay ang mga operasyong militar ng AFP at PNP laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Hindi kinikilala ng AFP at PNP ang mga tuntunin na nakapaloob sa internasyunal na makataong batas at karapatang pantao at sa Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), lalo na sa panahon ng mga kalamidad at sakuna, na naggagarantiya at nagbibigay proteksyon sa anumang isinasagawang humanitarian aid ng magkabilang belligerent forces.
Patuloy nating pagsumikapan ang paghahatid ng mga ayudang pagkain at materyal sa mga nasalanta nating mga kababayan. Ganunpaman, dahil sa tindi at lawak ng naging pinsala ng bagyong Pepito at Quinta, higit kailangan nila ngayon ang ayudang pinansyal para gamiting pondo sa kanilang rehabilitasyon at kabuhayan.
Tungkulin nating pakilusin ang mamamayan ng rehiyon para sa kanilang karapatan at pangangailangan. Dapat nilang hilingin at kalampagin ang reaksyunaryong gubyerno sa kanilang pangangailangan para sa dagliang ayuda at para sa kanilang pangmatagalang kabuhayan. Igiit ng taumbayan na ito’y obligasyon ng gubyerno sa mamamayan sa harap ng mga kalamidad na dumarating sa bansa.
Walang maaaring idahilan ang pasistang rehimeng US-Duterte na walang pondo o kulang ang pondo ng gubyerno para sa rehabilitasyon sa mga naging biktima ng kalamidad o pondo para serbisyong panlipunan. Kailangan nating ipaglaban at igiit ang paglilipat ng intelligence at discretionary fund ng Office of the President na umaabot sa 4.5 bilyong piso at sa 16.9 bilyong pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) bilang pondo sa ayuda, rehabilitasyon at pangangailangan sa kabuhayan ng mamamayang Pilipino.
Kalampagin at batikusin ang pasistang si Duterte sa pasya nitong paglaanan ng naglalakihang halaga ang mga anti-mamamayang programa nito lalo na ang pondong ginagamit sa “kontra-insurehensya” at sa panunupil sa kalayaan ng taumbayan sa pamamahayag at pagtitipon para iparating sa gubyerno ang kanilang mga karaingan at kahilingan. Kailangan patuloy na labanan at tutulan ang malalaking pondong inilalaan ni Duterte sa “kontra insurhensya”, panunupil sa mamamayan at sa paggamit ng mga pondong ito bilang kanyang suhol at pinagkukunan ng kurakot ng kanyang mga matatapat na opisyal sa gubyerno, AFP at PNP. Sa kabilang banda, ilantad at labanan ang tahasang pagbabawas ni Duterte sa mga pondong nakalaan sa serbisyong panlipunan, sa ayuda sa mga manggagawa at ofw’s na nawalan ng hanapbuhay sanhi ng pandemikong Covid-19, sa mga tsuper at maliit na opereytor ng dyip na nawalan ng pasada dahil sa pinatutupad na militaristang lockdown, sa mga magsasaka sa palayan na nalugi at nabaon sa utang dahil sa pinatutupad na Rice Tariffication Law at ang pagbawas ni Duterta sa pondo sa kalusugan at sa paglaban sa pandemyang Covid-19.
Higit na kailangan ngayon ang ating pagkakaisa at pagtutulungan para makabangon sa pinsalang hatid ng dalawang bagyong Pepito at Quinta. Hindi dapat na lubos na iasa ng naghihikahos na mamamayan sa inutil, makupad, pabaya at walang malasakit na gubyernong Duterte ang pagtugon sa kanilang pangangailangan. Dapat nila itong igiit at ipaglaban.
Napakasama ng rekord ni Duterte sa pagtugon at pagharap sa mga dumarating na kalamidad sa mamamayang Pilipino. Malaking patunay dito ang labis niyang kapabayaan at kawalang malasakit sa pagtugon at pag-aasikaso sa mga nawalan ng tahanan at kabuhayan na mga mamamayan ng rehiyon dahil ng pagputok ng bulkang Taal. Sinundan pa ito ng kanyang labis na kainutilan, kapabayaan at mga kapalpakan sa pagharap at paglaban sa pandemikong Covid-19.
Habang nasa kapangyarihan ang pasistang rehimeng US-Duterte, mananatiling hungkag, kapos at mga pakitang tao lamang ang mga pagtugon ng gubyerno sa mga biktima ng kalamidad at sakuna sa bansa. Malayo at malabong pagtuunan niya ng mahalagang pansin ang kapakanan at kagalingan ng sambayanang PIlipino. Sa loob nang mahigit sa apat na taon niyang panunungkulan, lalong kapighatian at kalupitan ang kanyang idinulot sa bayan. Mas masahol pa sa pagputok ng mga bulkan at pagtama ng mga lindol at bagyo, si Rodirgo Duterte ang pinakamalaking kalamidad at trahedya na dumating sa bansa.
Sa harap ng mga kahirapan at balakid na hatid ng pasismo ng estado, walang ibang dapat gawin ang taumbayan kundi ang higit na palawakin at paigtingin ang paglaban para ibagsak ang korap, pabaya, walang puso, tiraniko, kriminal at mamamatay taong si Duterte. Ilang beses nang napatunayan ang lakas at kapangyarihan ng taumbayan nang pabagsakin nito sa kapangyarihan ang diktador na si Ferdinand E. Marcos noong Pebrero 1986 at ang korap na si Joseph Estrada noong Enero 2001. Tiyak na magagawa din natin ito sa pagpapabagsak kay Duterte.###
https://cpp.ph/statements/paglingkuran-ang-sambayanan-mobilisahin-ang-mga-pwersa-sa-pagtugon-sa-kalamidad-at-pangangailangan-ng-bayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.