Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 21, 2019): Apela ng UN, kinatigan ng NDFP at mga armadong kilusan
Pumirma ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pinagsamang apela noong Mayo 5 na nananawagan sa mga gubyerno na sundin ang mungkahi ng United Nations (UN) para sa pandaigdigang tigil-putukan at pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal. Ang mga ito, ayon sa UN, ay mahahalagang hakbang sa laban sa Covid-19.
Kasama ng NDFP sa mga pumirma ang mga myembrong organisasyon ng Resistance and Liberation Movements Network, Inter Alia, The Basque Movement, The Peace Dialogue Delegation-National Liberation Army-Colombia, The Kurdistan National Congress, mga armadong organisasyong etniko sa Myanmar, Euro-Burma Office, at Dr. Sai Oo ng Union Peace and Dialogue Joint Committee ng Myanmar.
Gayunpaman, sinabi ng grupo na maraming gubyerno ang hindi nagpaunlak sa panawagan ng UN sa pandaigdigang tigil-putukan, at ginamit pa ang Covid-19 para paigtingin ang kani-kanilang mapanupil na mga patakaran. Ang mga bilanggo naman na pinalaya ng ilang bansa ay pawang mga kriminal na nahatulan sa malulubhang kaso.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/05/21/apela-ng-un-kinatigan-ng-ndfp-at-mga-armadong-kilusan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.