Awarding Ceremony para sa pagtanggap ng anim (6) na dating rebeldeng NPA ng kanilang benepisyo mula sa Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na ginanap sa Camp Winston Ebersole
BULALACAO, Oriental Mindoro – Matagumpay na idinaos ang isang Awarding Ceremony para sa pagtanggap ng anim (6) na dating rebeldeng NPA ng kanilang benepisyo mula sa Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na ginanap sa Camp Winston Ebersole, Barangay San Roque, San Jose Occidental Mindoro nito lamang ika-7 ng Enero taong kasalukuyan.
Ang seremonya ay dinaluhan ni LTC ALEXANDER M ARBOLADO, Commander ng 4th Infantry (Scorpion) Battalion na pinangunahan naman ni Gov Eduardo Gadiano ng Occidental Mindoro kasama sina PCOL Joseph Bayan, Provincial Director OMPPO, Provincial Director Ulysses Ferraren ng DILG at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Ang pagtanggap ng benepisyo ng mga dating rebeldeng ito ay isang katunayan na seryoso ang gobyerno na handa nilang tulungan ang sinumang mga gustong magbalik-loob sa pamahalaan para makapagbagong buhay.
Ayon sa mensahe ni Gov Gadiano, magsama-sama tayong tahakin ang isang lipunan na pinapangarap natin, isang lipunan na mapayapa, na maaunlad at nagkakaisa. Magsamasama at magkaisa para sa tunay na kapayapaan sa ating bayan.
Patuloy parin ang panawagan ni LTC Arbolado sa mga kababayan nating naliligaw pa ng landas na magbalik loob na sa gobyerno at tanggapin nila ang mga tulong na nararapat para sa kanila para makapagsimula muli ng bagong buhay at idagdag pa ang pagkakataong makapiling nila ang kanilang pamilya ng walang kinaiilagan o kinatatakutan.
Ayon naman kay Brigadier General Antonio R Lastimado, 203rd Brigade Commander, ang pagtutulong tulungan ng Provincial Task Force ng Occidental Minodoro ay isang patunay sa sinceridad ng ating gobyerno na tulungan ang mga nabiktima ng mga teroristang NPA na magbalik loob at mabuhay ng mapayapa kasama angkanilang mga pamilya.
Malaki ang pasasalamat ng mga dating rebelde sa benepisyong kanilang natanggap at gusto nilang ipabatid sa mga dati nilang kasamahan na patuloy paring nasa kabundukan na magbaba narin ng armas at sumuko na sa pamahalaan para magkaroon ng buhay na tahimik.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/mga-sumukong-rebelde-nakatanggap-ng-benepisyo-mula-sa-e-clip/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.