PATNUBAY DE GUIA
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
DECEMBER 19, 2019
Ituloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP nang walang pinapataw na kundisyon at dapat nakabatay sa mga naunang kasunduan.
Mariing pinabubulaanan at kinukundena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang malisyoso, makasarili at punong puno ng kasinungalingan na paratang nina Secretary Panelo, Secretary Año ng Department of Interior and Local Government (DILG) at maging ng mga tagapagsalita ng AFP at PNP na hindi sinsero ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan dahil sa mga pag-atake ng NPA sa mga pasistang tropa ng reaksyunaryong gubyerno.
Gustong linlangin nina Panelo ang publiko na kahit walang pinaiiral na tigil putukan ang CPP-NPA-NDFP ay dapat nitong itigil ang mga pagsalakay at talian ang sariling kamay para atakehin ng mga pasistang tropa. Pinararatangan nitong hindi sinsero ang NDFP sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP upang pagtakpan ang katotohanan ng ginagawang walang-tigil na operasyong kombat ng AFP-PNP laban sa CPP-NPA-NDFP at rebolusyonaryong mamamayan. Nais nina Panelo na ipatigil ang mga pag-atake ng NPA upang maipakita diumano ang sinseridad ng NDFP sa usapang pangkapayapaan habang walang tigil naman itong inaatake ng AFP at PNP.
Subalit ang talagang gustong mangyari nina Panelo, Año, AFP at PNP ay gawing pipitsuging target ng AFP at PNP ang NPA at maging inutil at walang kalaban-laban na ipagtanggol ang sarili at mamamayan sa harap ng patuloy at walang puknat na paglulunsad nito ng focused military operation (FMO) alinsunod sa kanilang whole of nation approach (WNA) at Joint Campaign Plan-Kapanatagan (JCP-Kapanatagan).
Nilalayon ni Duterte na tapusin ang armadong tunggalian sa bansa sa pagtatapos ng termino ng pasistang rehimeng US-Duterte sa 2022. Ang sukatan nina Panelo sa sinseridad ng NDFP sa usapang pangkapayapaan ay kung magsasawalang kibo ang CPP-NPA-NDFP at magiging pasibo sa harap ng mga pag-atake ng pasistang tropa laban sa rebolusyonaryong kilusan tulad ng ginawa nilang masaker kina Kasamang Ermin Bellen, Jose Villahermosa at Lucio Simburoto noong Disyembre 5, 2019 sa Barangay Cupang, Antipolo City, pagdakip kay Jaime Padilla na konsultant ng NDFP at ang pinakahuling pangyayari sa Matnog, Sorsogon kung saan napabalitang 4 na kasama ang napaslang.
Ang katotohanan, hindi pa man nagkakausap sina Secretary Bello at mga kinatawan ng NDFP na nakabase sa The Netherlands sa posibilidad na muling ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan ay kabi-kabilaan na ang ginawang pagputak at pagtutol ng mga pasista at militaristang elemento sa gabinete ni Duterte na bantog na mga mananabotahe at peace spoilers sa usapang pangkapayapaan. Sila ang dapat kastiguhin ni Duterte kung tunay nga siyang sinsero na muling makipag-usap sa NDFP para sa kapayapaan.
Ang sinseridad ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ay makikita sa kagustuhan nitong lutasin ang ugat at sanhi ng armadong tunggalian sa bansa at dalhin ang pag-uusap sa pagkakamit ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Pilipinas. Dahil dito, seryoso ang NDFP sa pagtataguyod at pagtupad sa mga naunang kasunduan na pinirmahan ng magkabilang panig tulad ng The Hague Joint Declaration, ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee (JASIG) at ang unang substansyal na agenda ng usapang pangkapayapaan na napagkasunduan ng dalawang panig – ang Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) noong 1998.
Sa ganito, wala ni anumang bahid para pagdudahan ang kaseryosohan ng NDFP na pumasok sa usapang pangkapayapaan sa GRP kahit noon pa mang administrasyon ni. Corazon Aquino at hanggang sa kasalukuyang rehimeng Duterte kahit paulit-ulit na sinasabotahe ito ng GRP.
Ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) ng NDFP ay seryosong programa sa pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa at sa gagawing pagpapaunlad ng kanayunan. Katuwang ng pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa ang pambansang industralisasyon at pagpapaunlad ng buong ekonomiya ng bansa. Ang pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon ay seryosong hakbang ng NDFP para lutasin ang dahilan ng armadong tunggalian sa bansa at magbigay daan para sa pagkakamit ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.
Kung tutuusin, ang GRP ang pangunahing may kagagawan at pinagsisimulan kung bakit nagkakaroon ng mga pagkaantala sa usapang pangkapayapaan. Sila ang unilateral na nagdedeklara ng mga breakdown sa pag-uusap, ng mga suspensyon at terminasyon ng usapang pangkapayapaan kapag hindi nila napapanikluhod at napapasunod ang NDFP sa kanilang mga maitim na pakana at kagustuhan.
Malaking balakid sa pag-uusap ang patuloy na pagtatakda ng GRP ng mga kundisyon tulad ng pagdedeklara muna ng tigil-putukan bago ang pag-uusap, na sa Pilipinas gawing ang pag-uusap at hindi sa nyutral na lugar at sa paggigiit sa linya ng kapitulasyon para pasukuin ang NDFP.
Sa karanasan, hindi mapagkakatiwalaan ang rehimeng Duterte na igalang ang mga pinirmahang kasunduan na madali lamang nitong isantabi kapag hindi pabor sa GRP. Paulit-ulit na nilalabag ng GRP ang mga pinagkaisahang pangkalahatang prinsipyo at balangkas ng usapang pangkapayapaan at mga kasunduan na nauna nang pinagtibay at pinirmahan ng dalawang panig. Patuloy ang pag-aresto sa mga NDFP consultants at istap na imbwelto sa usapang pangkapayapaan kahit protektado sila ng kasunduan sa JASIG. Ikinulong sila batay sa mga gawa-gawang kasong kriminal para hindi makapag piyansa at mabinbin nang matagal sa kulungan habang dinidinig ang mga isinampang gawa-gawang kaso.
Paulit-ulit na iginigiit ng GRP na idaos sa bansa ang pag-uusap na malinaw na paglabag sa kasunduan sa The Hague Joint Declaration na nakasaad na ang pag-uusap ay dapat isagawa sa isang foreign and neutral venue.
Nasa gubyernong Duterte ngayon ang bola upang patunayan kung sinsero ang kanyang gubyerno na muling ipagpatuloy ang usapang pangkapayaan sa NDFP. Ang unang dapat niyang gawin ay ipatupad ang mga sumusunod:
• Pagbawi sa Proclamation No. 360 na opisyal na nagdedeklara na terminado na ang usapang pangkapayapaan ng GRP sa NDFP na kanyang inilabas noong Nobyembre 23, 2017;
• Pagbawi sa Proclamation 374 noong Disyembre 5, 2017 na nagdedeklarang mga “terorista” ang mga rebolusyonaryong organisasyon ng CPP-NPA at NDFP.
• Pagbasura sa Executive Order No. 70 na nagbubuo ng national task force to end local communist armed conflict sa pamamagitan ng whole of nation approach na inilabas niya nuong Disyembre 4, 2018; at
• Bilang huli, pag-atras sa proscription sa CPP-NPA bilang mga teroristang organisasyon alinsunod sa RA 9372 o Human Security Act of 2007 na nakasampa sa mababang korte.
Sa mga nasa itaas susukatin ang sinseridad ng rehimeng Duterte at ng GRP sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan. ###
https://cpp.ph/statement/pdg-hinggil-sa-sinseridad-ng-ndfp-sa-usapang-pangkapayapaan-sa-grp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.