Friday, November 8, 2019

Tagalog News: Bilang ng sumukong rebeldeng NPA, nadagdagan pa sa Surigao

From the Philippine Information Agency (Nov 8, 2019): Tagalog News: Bilang ng sumukong rebeldeng NPA, nadagdagan pa sa Surigao


LUNGSOD NG BUTUAN, Nobyembre 8 (PIA) - Mahigit 40 dating miyembro ng New People's Army (NPA) ang nagsuko ng kanilang baril bilang bahagi ng kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno.

Ito ay sa isinagawang 3rd Caraga Regional Task Force - Ending Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa Tandag City na nasaksihan mismo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, kasama ng iba pang opisyal.


Nangako ang mga ito na susuportahan ang pamahalaan at mamumuhay nang maayos at payapa sa kani-kanilang komunidad.

Tumanggap sila ng financial assistance at firearms remuneration na aabot sa kabuuang P1.6-milyon.

Lubos naman ang kanilang pasasalamat sa tulong na ibinigay sa kanila ng gobyerno.

Pinasalamatan din ni CabSec. Nograles ang mga dating rebelde sa kanilang pagsuko, at binigyang-diin na seryoso ang gobyerno sa pagpapatupad ng Executive Order 70 ni President Rodrigo Duterte.

Samantala, pagtitiyak naman ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel, na patuloy ang pagsasagawa ng Serbisyo Caravan at immersion sa mga lugar ng probinsya na apektado ng insurhensiya.

Ito ay upang mas maramdaman ng mamamayan ang sensirong pagtugon ng gobyerno sa kanilang pangangailangan. (JPG/PIA-Caraga)

https://pia.gov.ph/news/articles/1029922

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.