From the Mindanao Examiner (Sep 22): Suspek sa Gensan Blast, natimbog!
Nahulog na sa kamay ng mga otoridad ang pangunahging suspek sa pambobomba sa General Santos city na ikinasugat ng walo katao, matapos na mahuli sa inilatag na anti-drug operation sa Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ni PNP 12 spokesperson Police Supt. Alrin Gonzales ang suspek na si Jeffrey Panag Alonzo, taga- Barangay Lapu-Lapu, Polomolok, South Cotabato.
Ayon kay Gonzales, nadakip si Alonzo sa buy-bust operation at positibo siyang itinuro ng mga testigo na nag-iwan at nagpasabog ng bomba.
Sinampahan na ng kasong multiple frustrated murder ang nadakip na suspek.
Lumabas sa imbestigasyon na may personal na galit ang nag-udyok sa suspek na bombahin ang ilang business establishment na pag-aari ng kanyang mga kamag-anak.
Sinasabing may ugnayan sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Maute Group ang nadakip na suspek na miyembro umano ng Nilong Group na isa sa mga symphatizer ng napatay na lider ng Ansar Al-Khalifah Philippines (AKP) na si Tokboy Maguid.
Nabatid na nag-iwan ng walo katao na sugatan ang nangyaring pagsabog sa isang karinderya sa panulukan ng Makar sa Barangay Apopong, General Santos City, nitong Setyembre a-16.
Dahil dito, itinaas na rin ang alerto ng seguridad na ipinapatupad sa North Cotabato matapos na pinasabog din nitong Biyernes ng gabi ang isang hinihinalang baggage na may lamang bomba sa bayan ng Midsayap.
Nabatid na ang pagsabog sa Gensan ay pangatlong insidente ng pambobomba sa South Central Mindanao ang unang magsunod ay nangyari sa Isulan, Sultan Kudarat na ikinasawi ng lima katao at hindi bababa sa 40 katao ang sugatan.
https://mindanaoexaminer.com/suspek-sa-gensan-blast-natimbog/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.