Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Sep 19): Magkakasunod na aksyong militar inilunsad sa Camarines Sur
Petsa 20 ng Hulyo 2018, bandang alas 10:00 ng umaga, tinambangan ng isang tim ng NGC ang isang sundalong nakamotor sa haywey ng Brgy. Veneracion, Pamplona, Camarines Sur. Napatay sa nasabing pagtambang si PFC Jhony Franco, myembro ng Military Intelligence Company (MICO) sa ilalim ng 9th IDPA. Nakumpiska sa nasabing sundalo ang isang kalibre .45 na pistola, magasin at mga dokumento at datos na may kaugnayan sa kanyang gawain bilang intel.
Si Franco ay masugid na intel, nag-network building sa lugar para sa pangunahing target o pinuproyektong kasamang kadre na kumikilos sa lugar. Siya rin ang nasa likod ng pagpatay sa dating kasama na si “Ka Neo” na taga-Brgy. Tampadong, Pamplona at pagkahuli sa isang kasama na nasa medical leave. Dagdag pa, siya rin ang may pakana ng “entrapment operation” sa tatlong kasamang nakikipag-transaksyon sa isang construction company. Sumanib ang grupo ni Franco sa mga kontraktor sa layuning makapagkasa ng operasyon laban sa mga kasama. Isang sibilyan ang napatay at isa ang nasugatan at hinuli ng 9th IDPA sa nasabing operasyon.
Petsa 27 ng Hulyo, hinaras ng isang tim ng hukbong bayan ang detatsment ng 22nd IB-CAFGU sa Brgy. Cambalidio, Libmanan.
Petsa 10 ng Agosto, hinaras ng isang tim ng NGC ang mga armadong naka-bonet na elemento ng MICO mula sa 9th IDPA kasabay ang ilang dating NPA na sina “Boris” at dalawang iba pa. Isang kasamahan ng grupo ang napatay sa nasabing pagharas. Ang grupong ito ang responsable sa pagpatay sa mag-amang Abunin na sina Danilo Sr. at Danilo Jr. noong Petsa 26 ng Agosto, alas 5:00 ng umaga sa bahay ng nasabing mag-ama sa Brgy. Veneracion, Pamplona.
Petsa 14 ng Agosto, bandang alas-6 ng umaga, tinambangan ng isang tim ng NGC ang dalawang kaaway na kukuha ng tubig para dalhin sa kanilang detatsment sa Brgy. Cambalidio, Libmanan. Nakasakay sa motorsiklo ang isang PFC Espiritu at isang CAFGU nang tambangan. Napatay si Espiritu at sugatan ang CAFGU.
Petsa 6 ng Setyembre, alas-12:30 ng madaling araw, hinaras ng isang tim ng NGC ang detatsment ng 22nd IB-CAFGU sa Sityo Dinumpilan, Brgy. Malinao, Libmanan. Napatay ang isang myembro ng CAFGU sa nasabing aksyon. Kinaumagahan ay kinuha ng isang van na kulay green ang kaswalti at dinala sa bayan ng Sipocot.
Ang maliliit na tagumpay ng BHB ay mahalaga sa pangkabuuang takbo ng digmang bayan na inilulunsad ng rebolusyonaryong kilusan. Hindi ito magtatagumpay kung wala ang malawak na suporta ng masang api lalo na ang mga magsasaka at manggagawa kasabay ang iba pang uring naghahangad ng pagbabago sa ating lipunan upang itayo ang isang lipunang bawal gumawa ng masama sa kapwa.
Mabuhay ang PKP!
Mabuhay ang BHB!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan!
https://www.philippinerevolution.info/2018/09/19/magkakasunod-na-aksyong-militar-inilunsad-sa-camarines-sur-2/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.