National Democratic Front (NDF)-Mindoro propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 30): Bumabangis ang pasismo ng estado sa ika-15 taong paggunita ng pagpaslang kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy
Ka Maria Patricia Andal, Spokesperson
NDFP Mindoro
30 April 2018
Ginugunita ng buong rebolusyonaryong kilusan sa Mindoro ang walang-awang pagpaslang ng berdugong tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy noong ika-22 ng Abril, 2003. Labinlimang taon matapos ang naturang karumal-dumal na krimen, bumabangis pang lalo ang mga bayarang sundalo sa ilalim naman ng pamumuno ng kasalukuyang macho-pasistang si Rodrigo Duterte.
Naglulunsad ng fact-finding mission sa mga bayan ng Gloria at Bansud sa Oriental Mindoro sina Marcellana, tumatayo noong pangkalahatang kalihim ng Karapatan-Timog Katagalugan, at Gumanoy, pangkalahatang kalihim ng Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan, kasama ang iba pang human rights volunteers nang dukutin sila ng tropa ng 204th Brigade. Natagpuan sa Bansud ang mga labi nina Marcellana at Gumanoy na kinakitaan ng mga bakas ng labis na pagpapahirap bago tuluyang paslangin.
Sa kabila ng matibay na ebidensya at presyur ng mga mananaggol, grupo ng karapatang tao at iba’t ibang sektor sa bansa at ibayong dagat, walang naparusahan sa sinumang nasa likod ng krimeng ito.
Sa araw na ito, itinatransporma natin ang ating pagdadalamhati sa ibayong paghihimagsik laban sa tiranikong paghahari ni Duterte, katambal ang mga militaristang sina Delfin Lorenzana, Eduardo Año at Hermogenes Esperon.
Marami pang tulad nina Marcellana at Gumanoy ang nagdurusa dahil sa tripleng gyerang inilulunsad ng rehimeng US-Duterte. Daanlibong mamamayan na ang biktima ng berdugo at mersenaryong AFP-PNP, kabilang ang mahigit 410,000 mamamayan sa Mindanao na biktima ng sapilitang paglikas mula nang ideklara ni Duterte ang Batas Militar sa isla; 13,000 pinaslang sa ilalim ng “gyera kontra-droga”; at ilandaang biktima ng pampulitikang pamamaslang sa ilalim ng kontra-insurhensyang Oplan Kapayapaan.
Sa desperadong pagtatangka nitong supilin ang pagbabalikwas ng mamamayan, idineklara ni Duterte ang mga ligal na samahang kritikal sa kanyang mga anti-mamamayang patakaran bilang mga teroristang organisasyon, sa partikular bilang mga prente ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army. Sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 374, tinutugis ng mga “bounty hunters” ang 600 indibidwal, kabilang ang mga lider at myembro ng mga ligal na samahan. Kinasuhan sila ng kasong kriminal sa ilalim ng anti-demokrasyang Human Security Act/Anti-Terrorism Law. Isinasakdal sila bilang mga kriminal dahil lamang sa kanilang pampulitikang pananaw.
Wala itong pinag-iba sa tinungo ng mga nagdaang rehimen, kabilang ang kay Gloria Arroyo, na siyang utak sa pagpaslang kina Marcellana at Gumanoy. Ginagamit ngayon ng rehimeng US-Duterte ang taktikang “McCarthyist” upang bigyang-katwiran ang panunupil, panggigipit, pagdukot, pag-aresto at maging pagpaslang sa mga lider-masa, aktibista at karaniwang mamamayan.
Demokratikong Rebolusyong Bayan ang tanging paraan upang maigawad ang katarungan para kina Marcellana at Gumanoy. Ito ang ultimong paraan upang madurog ang AFP bilang haligi ng kapangyarihan ng pasistang rehimen. Ito ang pampulitikang linyang ubos-kayang itinataguyod ng National Democratic Front (NDF) – Mindoro.
Dinadakila ng NDF-Mindoro ang kabayanihan nina Marcellana at Gumanoy, kabilang ang libu-libong iba pa na nabuwal sa pakikibaka para sa pangmatagalang kapayapaang nakabatay sa katarungang panlipunan. Magniningning ang kanilang kabayanihan sa mahirap na landas tungo sa pagtatagumpay ng kanilang naiwang pakikibaka.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.