Saturday, July 1, 2017

CPP/NPA-Panay: Pangingikil Gamit ang Pangalan ng Rebolusyonaryong Kilusan

NPA-Panay propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jun 30):
Pangingikil Gamit ang Pangalan ng Rebolusyonaryong Kilusan



Ka Julio Montana, Spokesperson
NPA-Panay (Coronacion Chiva “Waling-Waling” Command)

30 June 2017

Muli naming inaalarma ang publiko lalo na ang mga negosyante sa rehiyon ng Panay tungkol sa kumakalat na sulat, text o tawag mula sa mga taong nagpapakilalang kasapi o opisyal ng CPP-NPA-NDF at nanghihingi ng malalaking halaga. Karaniwang modus nila ay kaagad na nanghihingi ng pera at may halong pananakot.

Kadalasan, ginagawa ito ng aming kaaway sa AFP, PNP, paramilitar at mga galamay nila upang magkapera para sa kanilang pansariling luho’t bisyo, at mas masahol pa dito, upang isabotahe ang lehitimong gawain sa rebolusyonaryong pagbubuwis ng rebolusyonaryong gobyerno. May iba pang masasamang elemento din na gumagawa nito bilang simpleng gawaing pangingikil. Ang mga gawaing ito ay tinuturing ng NPA na mabigat na krimen laban sa rebolusyonaryong kilusan; ang mga sangkot dito ay aming aarestuhin at ihaharap sa Hukumang Bayan para malapatan ng karampatang parusa.

Hinihikayat namin ang lahat ng mga taong nakatanggap ng sulat, text o tawag katulad ng nabanggit sa itaas, na kung may kahit kaunting paghihinala sa katunayan (authenticity) nito, huwag magbigay, sa halip ay kaagad na komonsulta sa kanilang mga kakilala o kaibigan sa NPA o magpatulong sa mga kakilalang masa o alyado para maka-ugnay sa kalapit na yunit ng NPA. Kung hindi pa ninyo kayang makipag-ugnay, i-erase ang identity ng pinadalhan ng mensahe, kunan ng malinaw na litrato ang sulat o text at i-post sa website ng NPA-Panay: www.coronacionchiva@facebook.com. Tutugunan ito namin sa pamamagitan ng pagre-post ng nasabing litrato na may kasamang tatak ng katunayan o pagiging peke nito.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.