NPA-Panay propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jul 2):
Gawa-gawang kaso ng PRO-6 nadamay ang mga Inosenteng Sibilyan
Ka Julio Montana, Spokesperson
NPA-Panay (Coronacion Chiva “Waling-Waling” Command)
2 July 2017
Press Release
Pagkatapos ng magkasunod na mga insidente ng kabiguan ng Police Regional Office – 6 at 3IDPA nitong Hunyo 2017, naging reckless ito sa kanilang mga hakbang. Nagsimula ito sa kabiguan nilang madetect at pigilan ang reyd ng NPA sa Maasin Municipal Police Station noong Hunyo 18, na sinundan ng misencounter ng nagresponding tropa ng 61st IB sa mga armadong tanod ng Brgy Lampaya, Leon, Iloilo noong Hunyo 19, at ng bigong “hot pursuit operation” ng pinagsanib na mga tropa ng AFP at PNP na tumagal ng mahigit sa isang linggo. Marahil bunga ng desperasyon, ginamit naman nila ang isa sa kanilang nakasanayang dirty trick: pag-aakusa sa mga taong kanilang pinaghihinalaan nang walang matibay na basehan.
Sa pag-file ng minadaling kaso laban NPA noong Hunyo 29, 2017, nagpalabas sa media ang PRO-6 ng listahan at mga litrato ng diumano’y nakilala nila na kasama sa mga umatake sa Maasin. Ngunit kaagad din nabunyag ang kasinungalingan sa pagdamay sa mga sibiliyan. Sa katunayan, may mga umalma kaagad na pamilya ng mga sibilyan na nasa listahan dahil mga kabataang estudyante pala ang mga ito. Isinama din sa lista ang anak na babae, na matagal nang nagtatrabaho sa ibang bansa, ng NDFP Peace Consultant na si Concha Araneta Bocala. Halatang nagdulot ng matinding takot at balisa sa mga biktima at kanilang pamilya ang ginawang ito ng PRO-6.
Sa panig ng NPA-Panay, kaagad ding sinuri ang nasabing lista at mga litrato, pati na ang pagkonsulta nito sa kumand ng mga yunit sa teritoryo. Maliban sa iilan, hindi din nila kilala ang iba pang nasa lista at larawan. Para sa kaalaman ng lahat, kahit na gumagamit ng koda o alias ang mga kasapi ng NPA, ang mga namumunong kadre sa yunit ay kilala nila ang tunay na pangalan ng kanilang bawat sundalo dahil basic requirement ito sa pagrekrut ng mga pulang mandirigma.
Ang pag-imbento ng kaso ay matagal nang gawain ng AFP at PNP sa buong bansa. Maliban na ito’y pantakip sa kanilang kahihiyan, bahagi din ito ng kanilang pinaigting na ‘legal offensive’ laban sa rebolusyonaryong pwersa. Bawat may inilunsad na taktikal na opensiba ang NPA, sadyang idinadawit ng AFP at PNP sa kaso ang mga sibilyan na kanilang pinaghihinalaang sumusuporta sa rebolusyon at mga dating NPA na matagal nang huminto sa pagkilos. Sa katunayan, maraming inosenteng sibilyan sa ibat-ibang bahagi ng bansa ang nakulong o nanatiling bilanggo dahil sa mga gawa-gawang kaso ng AFP at PNP.
Nananawagan ang NPA-Panay sa lahat ng fiscal at huwes sa rehiyon na huwag magpagamit sa maruming taktikang ito ng AFP at PNP. Hinihikayat namin sila na maging independente, objective at impartial sa pagsusuri ng mga ebidensya at testigo, kahit paman alam namin na ang mga umiiral na reaksyonaryong batas ay dati nang nakakiling sa interes ng imperyalismong US at mga kasabwat na uring panginoong maylupa, malaking burgesyang kumprador at kanilang mga utusan sa burukrasya, pulis at militar.
Nananawagan din kami sa mga inosenteng biktima at posibleng magiging biktima pa nitong gawa-gawang kaso ng PRO-6, na matapang na depensahan ang kanilang karapatan. Maliban sa mga aksyong legal, pwede sila pansamantalang manatili sa kalapit na base ng NPA habang sinusubaybayan ang kanilang kaso. Iwasan muna na pumunta sa mga lugar na madali silang hulihin ng AFP o PNP para hindi makulong. Kung hindi sila pwede o handang sumapi sa NPA, may mga masa at milisyang bayan naman na handang tumulong at magbigay ng proteksyon sa kanila.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.