From DWDD AFP Civil Relations Service Radio Website (Jan 24): Russia at Pilipinas nagpulong na para sa bilateral activities
Nagkaroon na ng pagpupulong ang mga opisyal ng Department of National Defense (DND) at ang kanilang Russian counterparts na bubuo ng action plan para sa mga aktibidad na gagawin sa pagitan ng Pilipinas at ng Russia.
Isinagawa ang pagpupulong noong ika-16 ng Enero 2017 at napagkasunduan ang ilang mga bilateral activities.
Sa ngayon ay sumasailalim sa masusing pag-aaral at pagsusuri ang naturang kassunduan.
Ilan sa mga nakalinyang Gawain na magpapatibay sa defense relations ng dalawang bansa ang pagbisita ng mga barkong pandigma, pagsasagawa ng mga seminar, general staff consultation at iba pa.
Bahagi rin umano sa reciprocal visits ang mga ahensyang magsasagawa ng scientific research, military schools, at mga delegado at observer para sa military exercises.
http://dwdd.com.ph/2017/01/24/russia-at-pilipinas-nagpulong-na-para-sa-bilateral-activities/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.