Jaime “Ka Diego” Padilla
Spokesperson
NPA-Southern Tagalog
Southern Tagalog
New People's Army
22 January 2017
Press Release
Kinukondena ng Melito Glor Command ang pagkakasangkot ng Philippine National Police (PNP) sa mga kriminal na aktibidad gaya na ng kidnap for ransom at pagpatay kay Jee Ick-Joo, isang executive official ng South Korean Heavy Industries at iba pang pang-aabuso ng PNP sa tabing ng kampanyang anti-droga ng gubyernong Duterte.
Ayon kay Jaime Ka Diego Padilla, tagapagsalita ng Melito Glor Command-New Peoples Army Southern Tagalog, isa itong realidad na kayang gawin ito ng mga pulis di lamang sa simpleng mamamayan kundi maging sa mga dayuhang negosyante sa bansa.”
Ipinahayag rin ni Ka Diego ang kanyang pagkabahalang nagagawa mismo sa loob ng Kampo Crame ang pagpatay sa kanilang nagiging biktima kung kayat paano pa kaya ang laganap na extra-judicial killings sa buong bansa sa ngalan ng gera laban sa droga.
Matatandaang umabot na sa 6,000 inosente, maliliit na drug user at pusher ang marahas na pinaslang sa ilalim ng Oplan Tokhang habang hindi seryosong nahuhuli ang mga utak ng malalaking krimen at malalaking druglord sa bansa.
“Pinatunayan nitong hindi maaasahan at hindi na dapat pang humihingi ng tulong ang mga mamamayan sa PNP sapagkat sila mismo ang mga kriminal na sangkot sa maraming ibat ibang krimen sa bansa, pagdidiin ni Ka Diego.
Dagdag ni Ka Diego, nagagamit ng mga kapulisan ang kanilang awtoridad upang gumawa ng mga gawa-gawang kaso sa mga mamamayan para maaresto at isakatuparan ang mga kriminal na gawain tulad ng extortion, kidnapping at mga katulad na aktibidad.
Sa kabilang banda, hinahamon ni Ka Diego ang gobyernong Duterte na kung gusto ni Rodrigo Duterte na maiwasan ang malawakang pagpatay sa mga kawawang mga biktima ng iligal na droga, unahin niya munang linisin ang kapulisan at mga malalaking taong sangkot sa sindikato ng droga sa bansa.
“Sa dami ng nasa listahang hawak at pinagyayabang sa midya, ano at hanggang ngayon ay wala ni isa sa kanila ang pinarusahan ng kamatayan? pagkuwestiyon ni Ka Diego. “Bakit kailangan pang sila ay dumaan sa tamang proseso samantalang ang mga maliliit ay parang manok na pinagpapatay ng mga pulis at mga kasapakat nilang vigilante na sangkot din sa malawakang extrajudicial killings sa buong bansa?”
Paliwanag ni Ka Diego, ipinapakita nito kung sino ang pangunahing pinaglilingkuran ng PNP at ang tungkulin nito bilang protektor ng bulok na sistema at ng mga naghaharing uri sa bansa.
Mulat sapul, kinagisnan ko na ang PNP na imbwelto sa kurapsyon, mga sindikato at kriminal aktibidad sa panahon pa lamang ng Philippine Constabulary,” pagbabahagi ni Ka Diego. Ang PNP ay nagmula sa Philippine Scouts at Philippine Constabulary na sinanay ng mga US Troops para paglingkuran sila at maging protektor ng mga dayuhang negosyante at lokal nitong papet.”
Dahil dito, ipinanawagan ni Ka Diego na walang ibang solusyon sa ganitong bulok na sistema kundi ang baguhin ito sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan upang makamit ang tunay na katarungan at kapayapaan na ipinagkakait ng kasalukuyang bulok na sistemang panlipunan ng mga naghaharing uri at mga makapangyarihan sa lipunang Pilipino.
https://www.philippinerevolution.info/statements/20170122-pnp-makapangyarihang-sindikatong-kriminal-at-mamamatay-tao

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.