Tuesday, January 24, 2017

CPP/NPA: Sa ika-30 anibersaryo ng Mendiola Massacre, Melito Glor Command, kinundina ang patuloy na panlipunan at pampulitikang injustisya sa bansa

NPA propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (Jan 22): Sa ika-30 anibersaryo ng Mendiola Massacre, Melito Glor Command, kinundina ang patuloy na panlipunan at pampulitikang injustisya sa bansa



Jaime “Ka Diego” Padilla
Spokesperson
NPA-Southern Tagalog
Southern Tagalog
New People's Army


22 January 2017
Press Release
 
Mariing kinukundina ng Melito Glor Command ang ika-30 taong inhustisya sa mga biktima ng Mendiola Massacre sa ilalim ng rehimen ng tinaguriang “Ina ng Demokrasya” na si Cory Aquino.
Hanggang ngayon, hindi pa rin napapanagutan ang pamilya Aquino sa pamamaslang at pandarahas sa mga magsasakang iginiit lamang ang kanilang karapatan para sa lupa at kabuhayan noong Enero 22, 1987.

Ginugunita rin ng Melito Glor Command ang 13 pinaslang na sina Adelfa Aribe, Vicente Campomanis, Danilo Arjona, Ronilo Domanico, Roberto Yumol, Dionisio Bautista at Bernabe Laquindanum mula sa Timog Katagalugan at sina Roberto Caylo, Rordrigo Grampan, Dante Evangelio, Angelito Gutierrez, Lepoldo Alonzo, Sonny Boy Perez at maraming mga sugatan sa tama ng balang isinalubong ng Rehimeng Cory Aquino.

Patuloy na panlipunan inhustisya

 Hindi demokratiko ang pagpapaulan ng mga bala sa mga magsasakang nais lamang iparating ang kanilang mga hinaing.

Dagdag pa, isang malaking sampal sa mukha ng mga magsasaka ang pagpapatupad ni Cory Aquino ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) upang pakalmahin ang mga kumakalam na sikmura nang hindi man lamang tumugon sa kabuhayan at karaingan ng mga magsasaka sa loob ng 25 taon sa bansa.

Sa haba ng panahon, hindi nakinabang ang mga magsasaka sa Timog Katagalugan, bagkus pinaboran lamang nito ang mga Panginoong Maylupa at malalaking developer sa mga lupaing pinaghirapan ng mga magsasaka.

Panginoong maylupa / developerLawak ng lupainLugar
Yulo King Ranch40,000 Coron-Busuanga, Palawan
Pujalte Estate/Guevent Development Corp.1,265Taytay, Palawan
Quintos-Golden Country Farm Inc.604Mamburao, Occ. Mindoro
Saulog Estate90Rizal, Occ. Mindoro
Hacienda Looc8,650Nasugbu, Batangas
Hacienda Roxas7,813Nasugbu, Batangas
Hacienda Puyat2,400Nasugbu, Batangas
Hacienda Patugo (Manzano-Rubio-Metro Tagaytay)1,003 Balayan, Batangas
Hacienda Zobel 12,000 Calatagan Batangas
Aguinaldo Estate 350 Silang, Cavite
Emerito Ramos & Son372Dasmariñas City, Cavite
South Cavite Land / Enrile150Dasmariñas City, Cavite
Hacienda Yulo7,100Calamba City
UP Land Grant9,000Siniloan, Laguna/Real Quezon
Atty. Romeo Roxas/Green Circle81,000General Nakar, Quezon
Rancho Tumbaga6,000San Francisco, Quezon
Hacienda Reyes13,000San Narciso, San Andres, Buenavista, Quezon
MWSS2,700Montalban, Rizal
Solar Power Plan350Macabud, Montalban, Rizal
Laiban Dam20,0008 baryo sa Tanay, Rizal,
1 Brgy. sa Gen. Nakar, Quezon

Dahil sa CARP, umabot sa 7 sa 10 magsasaka sa Timog Katagalugan ang walang sariling lupa. Pinagtiyaga nito ang mga magsasaka sa kakarampot na kita sa pang-araw-araw habang limpak-limpak na salapi ang napapasakamay sa mga Panginoong Maylupa nang walang kahirap-hirap.
Patuloy na pampulitikang inhustisya.

 Bigo ang popular na pag-aalsang People Power sa kanilang layuning itigil ang inhustisya at pasismo ng estado dahil hanggang ngayon dahas pa rin ang itinatapat ng bawat nagdaang rehimen.
Bukod sa kawalan ng katarungan sa 13 pinaslang sa Mendiola Massacre, parami nang parami ang bilang ng mga magsasakang pinapatay, tinatakot o hinuhuli sa tuwing iginigiit nila ang kani-kanilang mga karapatan sa lupa.

Nakaraang taon pa lamang, pinaslang ang isang lider-magsasaka sa Yulo King Ranch habang tinatakot ng mga goons ang mga magsasaka sa Hacienda Reyes. Iligal ring idinitine ang ilang lider-magsasaka. Tinayuan naman ng mga kampo ng militar o para-militar ang mga hacienda upang pigilan ang paglaban ng mga magsasaka rito.

Dahil sa walang hustisyang nakakamit ang mga magsasaka, tanging ang rebolusyonaryong kilusan, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Rebolusyong Agrarayo, ang tutugon sa mga hinaing nila. Sa Rebolusyong Agraryo nakakamit ng mga magsasaka ang minimum na layuning pababain ang upa sa lupa, pataasin ang sahod ng mga manggagawang bukid, pagpawi ng usura, pataasin ang presyo ng produktong bukid hanggang sa makamit ang maksimum na layuning kumpiskasyon at pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

Makakamit ng mamamayan ang hustisyang hinihiling nila sa mga iginagawad na rebolusyonaryong hustisya ng demokratikong gobyernong bayan.

Kailangang sumuporta ng masmalawak na mamamayan sa pambansa-demokratikong rebolusyon.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170122-sa-ika-30-anibersaryo-ng-mendiola-massacre-melito-glor-command-kinundina-ang-patuloy-na-pan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.