Saturday, June 7, 2014

77th IB, pinalalayas ng tribong Mabaca

From the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the CPP Website (Jun 7): 77th IB, pinalalayas ng tribong Mabaca

Ipinahayag ng tribong Mabaca, sa pamamagitan ng Cordillera People’s Alliance, ang kanilang pagtutol sa pagtatayo ng 77th IB IB ng kampo sa kanilang komunidad sa Tanap, Mabaca sa Balbalan, Kalinga. Isang platun ng yunit-militar ang dumating doon noong ikalawang linggo ng Mayo para magtayo ng detatsment sa lugar.

Ayon sa tribo, tumututol sila sa pagkakampo ng mga sundalo dulot ng mahaba na nilang karanasan ng pang-aabuso at iba pang paglabag sa kanilang karapatang-tao ng mga tropang militar mula pa noong 1993.

Kabilang dito ang walang habas na panggigipit, pambubugbog at paniniktik.
Batid din ng mga tribo ang antisosyal na mga kagawian ng mga sundalo, tulad ng sobra-sobrang paglalasing, pagsusugal, paggamit ng iligal na droga, pagnanakaw at iba pa. Anila, ang masamang impluwensya ng mga sundalo ay magdudulot lamang ng kaguluhan sa kanilang tribo. Iginigiit din nila ang katarungan sa ekstrahudisyal na pagpaslang kay Jeff “Openg” Dao-ayan, isa nilang katribo na pinatay ng mga sundalo noong 2006.

Agad na kinwestyon at tinutulan ng mamamayan dito ang pagtatayo ng detatsment. Para pahupain ang kanilang pagtutol, nagpatawag ng konsultasyon ang 77th IB pero hindi nito itinigil ang konstruksyon. Sa halip, muli lamang nagtakda ng isa pang konsultasyon ang military.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140607/77th-ib-pinalalayas-ng-tribong-mabaca

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.