Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2020): Tatlong magsasaka, inaresto sa Masbate
TATLONG MAGSASAKA ANG inaresto ng mga elemento ng 2nd IB at mga pulis sa Barangay Cabas-an, Aroroy, Masbate noong Abril 10. Dinakip sina Romnick Vargas, Juan Dikino at Alden Javier matapos na makasagupa ang isang tim ng mga Pulang mandirigma. Pinalabas ng mga pasistang tropa na mga kasapi sila ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).
Sa parehong araw, sinunog ng mga sundalo at pulis ang bahay ni Basyon Meralles. Sapilitan din nilang pinalayas sa barangay ang mga residenteng sina Jun Dikino at Marven “ Binoy” Grazil.
Pinamumunuan ni 2Lt. Jay Zachary Tunguia ang mga pang-aatake.
Sa tabing ng Retooled Community Support Program, patuloy na naglulunsad ng mga operasyong kontra-insurhensya ang militar at pulis sa mga bayan ng Aroroy, Mandaon, Claveria, San Pascual, Batuan, Monreal, San Fernando, San Jacinto at Cawayan sa Masbate. Saklaw ng mga operasyon ang hindi bababa sa 24 na barangay.
Sa isla ng Ticao, tinadtad ng bala ng mga sundalo ang katawan ni Kiko Garamay, 30, noong Marso 10. Ang biktima ay residente ng Barangay Rizal, Monreal. Kinabukasan, pinaslang ng mga pasista si Nongnong Hermosa, 50, residente ng Sityo Elawod, Barangay Macarthur sa parehong bayan.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/04/21/tatlong-magsasaka-inaresto-sa-masbate/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.