Tuesday, April 21, 2020

CPP/Ang Bayan: PKP, pi­na­la­wig ang ti­gil-pu­tu­kan

Propaganda article/video from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2020): PKP, pi­na­la­wig ang ti­gil-pu­tu­kan

[ Vdieo: https://cpp.ph/wp-content/uploads/2020/04/HukbongMapagkalinga-Final.mp4?_=1]

Iniu­tos ng Ko­mi­te Sentral ng Par­ti­do Ko­mu­nis­ta ng Pi­li­pi­nas (PKP) noong Abril 15 sa la­hat ng ku­mand at yu­nit ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan (BHB) at ng mi­li­syang ba­yan ang pag­pa­pa­la­wig ng uni­la­te­ral na dek­la­ra­syon ni­to ng ti­gil-pu­tu­kan hang­gang Abril 30. Ito ay para matiyak ang “mabilis at wa­lang sagabal na pag-abot sa lahat ng mamamayang nangangailangan ng kag­yat na tulong, suporta at hakbang medikal, pangkalusugan at pang­ka­bu­ha­yan sa harap ng malubhang kagipitang pampubliko bunga ng kasalukuyang pan­da­ig­digang pandemyang Covid-19.”

Inianunsyo ang pagpapalawig sa ka­bi­la ng mga ka­hi­ra­pan at pe­lig­rong du­lot ng pa­tu­loy na oku­pa­syon at ope­ra­syon ng mga tro­pa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa ka­na­yunan.

Kaug­nay ni­to, su­mu­lat ang Na­tio­nal De­mocra­tic Front of the Phi­lip­pi­nes sa Uni­ted Na­ti­ons noong Abril 14 pa­ra ipaabot ang mga pag­la­bag ng re­hi­meng Du­ter­te sa ti­gil-pu­tu­kan na idi­nek­la­ra ni­to noong Mar­so 16, at nag­ka­bi­sa mu­la Mar­so 19 hang­gang Abril 15.

Ba­tay sa ini­syal na mga ulat na na­ti­pon ng Ang Ba­yan mula Marso 16 hang­gang Abril 14, nag­sa­ga­wa ang mi­li­tar at pu­li­sya ng mga ope­ra­syong kontra-in­sur­hen­sya sa 104 ba­yan at syu­dad, sak­law ang 219 ba­ra­ngay.

Nag­re­sul­ta ang mga ope­ra­syong ito sa 14 na ar­ma­dong engkwentro sa iba’t ibang pa­nig ng ban­sa. La­bin­tat­lo ri­to ay mga reyd la­ban sa pansamantalang kam­puhan ng mga yunit ng BHB. Tig­tat­lo ang nai­ta­la sa Quezon Province, Bu­kid­non at Zam­boa­nga at da­la­wa na­man sa Davao.

Pi­na­ka­hu­ling ka­so ang reyd ng mga ele­men­to ng 67th IB sa mga Pu­lang man­di­rig­ma sa Ma­han-ub, Ba­ga­nga, Davao Ori­en­tal noong Abril 11. Isang araw ba­go ni­to, nag­­ka­ro­on din ng engkwentro sa Ba­­ra­ngay Ca­bas-an, Aro­roy, Mas­ba­te sa Bicol ma­ta­pos tang­ka­in ng isang pla­tun ng 2nd IB at PNP na tu­gi­sin ang tim ng BHB na noo’y ka­ta­ta­pos la­mang mag­lun­sad ng kam­pan­yang edu­ka­syon hing­gil sa Covid-19.

Pi­na­ka­ma­ra­mi ang nai­ta­la sa mga ba­ra­ngay sa Quezon Province (29) sa Southern Tagalog, kasunod sa Bu­kid­non (27), at Neg­ros Occi­den­tal (25). Sa Mas­ba­te, 24 na ba­ra­ngay ang sinaklaw ng mga ope­ra­syong kontra-in­sur­hen­sya ng mi­li­tar at pulis.

Ka­lak­han sa mga sun­da­long pu­ma­pa­sok sa mga ko­mu­ni­dad sa ka­na­yu­nan ay mga ta­ga-la­bas at hin­di nag­su­su­ot ng face mask. Sa Abra, ini­rek­la­mo ng mga re­si­den­te na la­ging naiis­tor­bo ang ka­ni­lang pag­tu­log du­lot ng ga­bi-ga­bing pag-ii­kot ng mga tro­pang mi­li­tar sa loob at pa­li­bot ng pi­tong ba­ra­ngay sa ba­yan ng Ma­licbong.

Noong huling linggo ng Marso, niransak ng mga elemento ng 24th at 69th IB ang tinutuluyan ng mga maliitang minero sa Barangay Guin­guinabang, Lacub, Abra. Sinu­nog ang kanilang mga kagamitan sa pag­mimina. Sinunog din ng mga sun­dalo ang malaking bahagi ng kagubatan sa pagitan ng mga bayan ng Lacub at Malicbong. Ninakaw at kinatay din mga sundalo ang alagang baka ng mga magsasaka.

Ini­rek­la­mo na­man ng mga re­si­den­te sa Negros Zam­boa­nga Mi­sa­mis Occi­den­tal ang pag­pa­pa­si­mu­no ng mga sun­da­lo ng sa­bong at inu­man.

Sa ulat na isi­nu­mi­te ng BHB-Sout­hern Ta­ga­log noong Abril 15, ini­la­had ni­to na umaa­bot na sa 157 ba­ra­ngay ang sak­law ng mga ope­ra­syong mi­li­tar sa buong re­hi­yon. Sa Quezon pa la­mang, uma­bot na sa 105 ba­ra­ngay ang sak­law ng mga ope­ra­syong kontra-­in­sur­hen­sya sa pru­bin­sya. Sa­man­ta­la, hin­di ba­ba­ba sa 13 ba­ra­ngay ang inoo­pe­ra­syon ng AFP sa Pa­la­wan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/04/21/pkp-pinalawig-ang-tigil-putukan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.