Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2020): Aktibong depensa ng BHB sa Negros at Masbate
Matagumpay na naipagtanggol ng isang yunit Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang sarili nang salakayin ito ng mga tropa ng 94th IB sa Kamuag, Barangay Carabalan, Himamaylan City noong Abril 19. Naganap ang engkwentro sa panahong nagsasagawa ang naturang yunit ng BHB ng kampanyang pangkalusugan laban sa Covid-19. Alerto ang mga Pulang mandirigma sa mga atake ng AFP sa gitna ng idineklarang pagpalawig ng Partido Komunista ng Pilipinas sa unilateral na tigil-putukan hanggang Abril 31. Tatlo sa umaatakeng mga sundalo ang napatay kabilang ang isang tinyente. Apat naman ang nasugatan sa 30-minutong engkwentro.
Pinabulaanan ng BHB-South Central Negros (Mt. Cansermon Command) ang pahayag ng 303rd IBde na “kumuha” ng relief goods ang mga Pulang mandirigma na nakalaan para sa mamamayan. Binatikos din nito ang paggamit ng 94th IB sa pamamahagi ng pondo ng Social Amelioration Program para bigyang katwiran ang mga operasyong kombat sa lugar.
Sa Masbate, tinangka ng mga pwersa ng 2nd IB at pulis na kubkubin ang isang yunit ng BHB sa Barangay Cabas-an, Aroroy noong Abril 10. Pabalik na sa kanilang pansamantalang himpilan ang mga Pulang mandirigma matapos magsagawa ng kampanyang impormasyon sa barangay nang salakayin sila ng mga sundalo. Isang sundalo ang namatay at siyam ang nasugatan sa kontra-panambang ng BHB. Bilang ganti, nang-aresto ng mga sibilyan ang mga sundalo at pinalabas silang mga myembro ng BHB.
Sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalong umarangkada ang mga operasyong kombat ng militar at pulis sa pagtatapos ng unilateral na tigil-putukan ng rehimeng Duterte noong Abril 15. Sunud-sunod na pananalakay sa mga yunit ng BHB na nagsasagawa ng mga kampanyang pangkalusugan at iba pang kampanyang masa ang naiulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/04/21/aktibong-depensa-ng-bhb-sa-negros-at-masbate/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.