Hindi bababa sa 26 na prubinsya sa Visayas at Mindanao ang nagdeklara ng kani-kanilang lockdown kasabay ng ipinataw sa Luzon ng rehimeng Duterte. Ipinagbawal sa mga lugar na ito ang pagbyahe ng mga tao at produkto na nagresulta sa pagkaparalisa sa komersyo at kalakalan. Itinigil din nito ang pagsasaka at produksyon sa kanayunan. Dahil marami sa mga nag-lockdown ay mga sentro ng komersyo at kalakalan ng mga rehiyon at prubinsya, apektado maging ang mga lugar na hindi nagdeklara ng lockdown.
Milyun-milyong magsasaka at manggagawang-bukid ang nawalan ng kita dahil sa mga lockdown.
Umaabot na sa 700,000 manggagawa sa mga asukarera at 75,241 manggagawang bukid sa tubuhan ang walang kita dahil sa pagsasara ng mga pabrika at asyenda. Kabilang dito ang Sugar Milling Corporation at Crystal Sugar Company, Inc. sa Bukidnon na ipinasara ng lokal na pamahalaan mula Marso 27 hanggang Abril 26. Apektado nito ang 10,000 manggagawa at 10,000 nagtatrabaho sa maliliit na tubuhan. Libu-libo ring manggagawang bukid sa Negros ang dumaranas ng maagang Tiempo Muerto nang tumigil ang mga operasyon ng mga tubuhan at asukarera rito. Sa kabila nito, nasa 6% lamang sa mga mangagawang-bukid sa tubuhan ang mabibigyan ng ayuda ng rehimen.
Kakarampot lamang sa iniaalok ng Department of Agriculture (DA) na ayuda ang nakararating sa kanila. Kahit ang pautang nito ay limitado sa 300,000 o 3.7% lamang ng kabuuang bilang ng magsasaka at mangingisda.
Binarat na ayuda
Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), umabot sa P62.69 bilyon ang badyet ng ahensya para sa taong 2020. Sa kabuuan mayroon itong P93 bilyon kung isasama ang P31-bilyong pondo na hinihingi ng DA noong Marso 25. Barya lamang ang direktang matatanggap ng mga magsasaka mula rito. Halos 90% ng badyet ay lumpsum at nakalaan sa mga proyektong walang agarang epekto sa gutom at luging magsasaka. Sa ulat ni Duterte noong April 20, 52,000 pa lamang sa target nitong 591,246 milyong magsasaka sa palayan ang nakatatanggap ng subsidyo sa P3 bilyong pondo ng Social Amelioration Program. Walang inilatag na proseso ang ahensya kung paano makukuha ng mga benepisyaryo ang nararapat sa kanila na ayuda.
Ayon pa sa DA, may 300,000 ding mahihirap na magsasakang nakatanggap ng tig-P5,000 sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance Program na pinangangasiwaan ng Landbank. Pero kahit pa pagsama-samahin ang mga benepisyaryo, malayo pa rin ito sa pangkabuuang 9.7 milyong magsasaka, manggagawang bukid at mangingisdang nangangailangan ng kagyat na tulong.
Batbat ng korapsyon ang pamamahagi ng ayuda. Naglipana ang mga reklamo sa animo’y arbitraryong pamimigay at masalimuot at nakababagot na proseso. Sa isang bayan sa Camarines Sur, binawasan nang P1,400 ang P5,000 ayuda ng mga senior citizen dahil naipambili na diumano ito ng mga gamot, bigas at sardinas na hindi naman nila natanggap.
Hindi na rin bibigyan ng ayuda ang mga nakatatanda na may mga anak na nagtatrabaho o kung kasama nila ang kanilang mga anak na nagtatrabaho, kahit pa ang mga anak nila ay wala ring hanapbuhay. Pati ang mga nagtatrabaho sa mga grocery, bangko at ibang establisimento sa syudad na hindi rehistradong residente ay hindi rin mabibigyan.
Pasistang pahirap
Pahirap din sa kabuhayan ng mga magsasaka at manggagawang bukid ang pagpapatupad ng curfew at mga tsekpoynt sa kanayunan na naglilimita sa kanilang mga galaw sa paghahatid ng mga produkto, pagsasaka at pangingisda.
Sa ilang bayan sa Ilocos, pinagbabayad ng P50-P80 ang mga residente para sa isang araw na makagala. Dahil sa curfew, limitado ang oras sa pagtatrabaho ng mga magbubukid sa Cagayan Valley at Lower Kalinga.
Hindi pinararaan sa mga tsekpoynt ang aning gulay ng mga magsasaka ng Upper Kalinga, Benguet, Ifugao at Mountain Province. Sa Tinoc, Ifugao, napilitan ang mga magsasaka na dali-daling anihin ang kanilang mga gulay matapos ipatupad ang lockdown ng lokal na gubyerno. Halos 100,000 toneladang gulay ang kinailangan nilang ibenta sa sobrang babang halaga bago mabulok ang mga ito.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/04/21/kakarampot-na-pondo-paghihigpit-sa-sektor-ng-magsasaka/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.