Tuesday, April 21, 2020

CPP/Ang Bayan: Pag-ii­ngat, mai­nam na pag­ha­han­da la­ban sa Covid-19 sa ka­na­yu­nan

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2020): Pag-ii­ngat, mai­nam na pag­ha­han­da la­ban sa Covid-19 sa ka­na­yu­nan

Madaling kumakalat ang Covid-19 sa mga syudad kung saan siksikan at ma­higpit ang ugnayan ng mga tao. Subalit hindi malayong kumalat din ito ka­launan sa mga komunidad sa kanayunan. Ito ay dahil sa paglabas-masok ng mga magsasaka para magbenta ng kanilang produkto o bumili ng kanilang pang­angailangan. Pumapasok rin ang mga namumuhunan at mga nagtatrabaho sa mga minahan, plantasyon at iba pang empresa.

Sa isang ban­da, ti­na­ta­ya ng mga eksper­to na hin­di ma­gi­ging ka­sim­bi­lis ang pag­ka­lat ng Covid-19 sa ka­na­yu­nan kum­pa­ra sa mga syu­dad da­hil mababa ang antas ng kon­sentrasyon o pagsisiksikan ng mga tao sa ka­ni­lang mga lu­gar. Sa ka­bi­lang ban­da, ma­gi­ging mas ma­hi­rap at po­sib­leng mas na­ka­ka­ma­tay ito da­hil malayong mas at­ra­sa­do at li­mi­ta­do ang mga pasilidad pang­ka­lu­su­gan di­to. Pa­yo ni­la, ang pi­na­ka­mai­nam na pag­ha­han­da pa­ra sa pan­dem­ya ay ang pag­su­nod sa ini­la­tag nang mga hak­bang ng mga insti­tu­syong me­di­kal. Ka­bi­lang di­to ang pa­na­na­ti­li ng per­so­nal na ka­li­ni­san, pag­man­ti­ne ng ta­mang ag­wat sa isa’t isa, pag-i­was sa ma­ta­ta­ong lu­gar at sa mga taong na­ha­wa na, pag­kon­sul­ta sa duk­tor o mang­ga­ga­wang pang­ka­lu­su­gan kung na­ka­ra­ra­nas ng mga sin­to­mas, at pa­la­gi­ang pag­su­bay­bay sa mga pang­ya­ya­ri sa lo­kal at ban­sa.

Pe­ro li­ban di­to, kai­la­ngan ding ihan­da ang imprastruk­tu­rang pang­­­ka­lu­su­gan sa mga bar­yo. Ka­bi­lang di­to ang pag­ti­ti­yak ng sa­pat na sup­lay ng ga­mit at ga­mot, pag­sa­saa­yos ng angkop na pa­si­li­dad, pag­sa­sa­nay ng mga ma­nga­ga­wang pang­ka­lu­su­gan at pag­la­la­tag ng maa­yos na sis­te­ma ng ko­mu­ni­ka­syo­n.

Sa nga­yon, li­mi­ta­do, kung me­ron man, ang sup­lay at mga ga­mit pa­ra sa anu­mang epi­dem­ya o sa­ku­na sa ka­na­yu­nan. La­hat ng ki­na­kai­la­ngang kagamitang medikal tu­lad ng mga face mask at iba pang per­so­nal pro­tective equip­ment, di­sinfectant at iba pa ay mang­ga­ga­ling sa mga syu­dad na una nang du­ma­nas ng ka­sa­la­tan. La­long wa­lang sup­lay sa mga bar­yo ng mga ga­mot na maaa­ring ga­mi­tin sa mga pa­sye­nteng nag­po­si­ti­bo.

Li­mi­ta­do rin ang ka­sa­na­yan ng mga mang­ga­ga­wang pang­ka­lu­su­gan. Ayon sa es­ta­dis­ti­ka ng es­ta­do, sa abereyds ay isang duk­tor la­mang ang na­ka­to­ka sa isang health cen­ter, ka­tu­wang ang abe­reyds na da­la­wang nars at li­mang ku­mad­ro­na pa­ra sa la­hat ng ba­ra­ngay sa isang ba­yan. Ma­da­las na mga nars o ku­mad­ro­na ang tu­ma­tao sa mga health cen­ter sa ba­ra­ngay pa­ra mag­bi­gay ng pi­na­ka­ba­ta­yang ser­bi­syo sa mga bun­tis, ma­li­li­it na ba­ta at ma­ta­tan­da. Wa­lang prog­ra­ma pa­ra sa­na­yin si­la pa­ra ma­ka­tu­wang sa ma­la­wa­kang tes­ting o scree­ning, mo­ni­to­ring at con­tact tracing, at ser­bi­syo sa mga iso­la­ti­on unit.

Wala sa kalahati ng lahat ng barangay sa bansa ang may health cen­ter. Noong 2017, na­sa 20,216 la­mang ang mga health cen­ter sa buong Pil­pi­nas. Sa mga may­ro­on, ku­lang na ku­lang ang mga pa­si­li­dad. Wa­la itong mga ka­ma pa­ra sa mga nag­ka­ka­sa­kit. Wa­la ring nai­ta­ta­yong mga iso­la­ti­on unit pa­ra sa kakailanganing pagbubukod sa mga pasyenteng may nakahahawang sakit. Ma­la­yo, at ma­da­las wa­lang angkop na sis­te­ma ng transpor­ta­syo­n, pa­tu­ngo sa mga os­pi­tal, kli­ni­ka at la­bo­ra­tor­yo.

Prob­le­ma rin ang sis­te­ma ng ko­mu­ni­ka­syon at ang kag­yat na pag­pa­paa­bot at pag­pa­pa­la­ga­nap ng angkop na im­por­ma­syo­n. Ku­ma­ka­lat ang ma­ling im­por­ma­syon na ma­da­las na­ba­ba­hi­ran ng pu­li­ti­ka, ha­ka-ha­ka o di-syen­ti­pi­kong mga lu­nas.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/04/21/pag-iingat-mainam-na-paghahanda-laban-sa-covid-19-sa-kanayunan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.