Tuesday, April 21, 2020

CPP/Ang Bayan: Ka­si­nu­nga­li­ngan ng 8th ID

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2020): Ka­si­nu­nga­li­ngan ng 8th ID

Wa­lang ti­gil ang pag­ha­ha­bi ng AFP ng ga­wa-ga­wang mga kwen­to pa­ra big­yang kat­wi­ran ang kam­pan­yang kontra-in­sur­hen­sya ni­to sa pa­na­hon ng pan­dem­yang Covid. Isa sa pi­na­ka­ma­la­king ka­si­nu­ngal­li­ngan ni­to ang pa­ha­yag ng 8th ID na “nang-a­gaw” ang mga Pu­lang man­di­rig­ma ng ayu­da sa Sit­yo Ba­ngon, Guin­maa­yo­han sa Ba­la­ngi­ga, Sa­mar noong Abril 7.

Pi­na­bu­laa­nan mis­mo ng mga upi­syal ng ba­yan ang ka­si­nu­nga­li­ngang ito. Ayon sa ulat ng Eas­tern Sa­mar News Service noong Abril 11, mismong mga upi­syal ka­bi­lang ang me­yor, upi­syal na na­ma­ha­gi ng ayu­da at ma­ging ang he­pe ng pu­lis ang nagsabing wa­lang na­ga­nap na ga­yong in­si­den­te.

Sa ka­bi­la ni­to, ipi­ni­lit pa rin ng 8th ID ang kwen­to. Noong Abril 13, binraso ni­to ang lo­kal na gub­yer­no ng Ba­la­ngi­ga ng re­so­lu­syon na nag­kun­de­na sa ak­syon ng BHB. Ga­yun­pa­man, tu­mang­gi ang mga upi­syal di­to sa ipi­ni­pi­lit ng mi­li­tar na “nam­wer­sa” o “nag­na­kaw” ang mga Pu­lang man­di­rig­ma at si­na­bing “ku­mu­ha” la­mang ang mga ito ng re­lief goods.

Sa­man­ta­la, gi­na­ga­mit ng AFP bi­lang sang­ka­lan sa kontra-in­sur­hen­sya ang pa­mi­mi­gay ng ayu­da. Sa Sor­so­gon, igi­ni­it ng 31st IB na umoo­ku­pa sa isang ba­ra­ngay sa Bu­lu­san na si­la ang ma­ma­ha­gi ng mga re­lief goods na na­ka­lap ng mga upi­syal ng ba­ra­ngay. Bi­na­lak ng mga sun­da­lo na ku­nan ng lit­ra­to ang mga be­ne­pi­sya­ryo at pa­la­ba­sing mga sun­da­lo ang tu­mu­tu­long. Tu­mang­gi ang mga upi­syal ng ba­ra­ngay na ibi­gay ang nai­pong ayu­da at sa ha­lip ay ki­numpron­ta ang mga sun­da­lo.

Ka­ba­lig­ta­ran ang na­ga­nap sa Bu­kid­non. Sad­yang hin­di bi­nig­yan ng ayu­da ang 25 ba­ra­ngay at ko­mu­ni­dad ng Lu­mad sa Ca­bang­la­san at San Fer­nan­do da­hil iti­nu­tu­ring ang mga ito ng AFP na mga ba­se ng BHB. Ba­go ang pan­dem­ya, gi­na­mit ng NTF-ELCAC ang mga lu­gar na ito bi­lang “showca­se” ng prog­ra­mang E-CLIP. Sa ha­lip na ayu­da, dag­dag na pag­hi­hig­pit ang ipi­na­tu­pad ng mga sun­da­lo sa lu­gar.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/04/21/kasinungalingan-ng-8th-id/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.