Tuesday, April 21, 2020

CPP/Ang Bayan: Pang-aaresto, pambobomba sa panahon ng krisis ng Covid-19

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2020): Pang-aaresto, pambobomba sa panahon ng krisis ng Covid-19



Kahit sa panahon ng krisis pangkalusugan dulot ng pagkalat ng Covid-19, walang tigil ang mga pwersa ng estado sa mga paglabag sa karapatang-tao. Nitong Abril 6-19, hindi bababa sa 19 magsasaka ang inaresto sa iba’t ibang bahagi ng bansa. May isang magsasaka ang pinatay, samantalang isang ko­munidad sa Mindanao ang binomba sa mga araw na ito.

Na­gu­lan­tang ang mga re­si­den­te ng Sit­yo Ka­pa­nal, Ba­ra­ngay Ga­si sa Kiam­ba, Sa­rang­ga­ni noong alas-5 ng uma­ga, Abril 19, nang big­lang mag­hu­log ng hin­di ba­ba­ba sa apat na bom­ba ang isang erop­la­nong pan­dig­ma ng AFP ma­la­pit sa ka­ni­lang ko­mu­ni­dad. Nag­du­lot ito ng dag­dag na ta­kot sa mga re­si­den­te la­lu­pa’t oku­pa­do ng 27th IB ang ka­ni­lang sit­yo. Ma­ta­gal nang hi­na­ha­li­haw ng mga tro­pa ng AFP ang Ga­si at ka­la­pit na mga ba­ra­ngay. Sa ka­sa­lu­ku­yan may 300 tro­pa ng AFP sa lu­gar. Sak­law ng plan­ta­syon ng La­pan­day Cor­po­ra­ti­on ang Kiam­ba at mga ka­ra­tig nitong ba­yan.

Sa Miag-ao, Iloi­lo, pi­na­tay ng 61st IB noong Abril 18 si John Fa­rocil­lin, ta­ga­pa­ngu­lo ng Alyan­sa sang Ma­ngu­ngu­ma sa Miag-ao at myembro ng kon­se­ho ng Pa­mang­gas. Su­sing li­der si Fa­rocil­lin sa mga pa­ki­ki­ba­ka ng mga mag­sa­sa­ka sa is­la.

Bago ni­to, 12 si­bil­yan, kabilang ang limang menor de edad, ang ina­res­to ng mga ele­men­to ng 61st IB noong Abril 14. Sila ay mga re­si­den­te ng Barangay Igpa­nu­long, Si­ba­lom, Antique, na noo’y nag­haha­nap ng pulot para maibenta. Pina­bulaanan ng kumand ng BHB sa Southern Panay (Mt. Napulak Com­mand) ang kasinungalingan sa isang engkwentro nadakip ang naturang mga sibilyan. Anito, walang naganap na sagupaan sa lugar.

Sa Bu­tu­an City, ina­res­to ng mga sundalo at pulis si Proce­so Tor­ral­ba sa Pu­rok 3, Ba­ra­ngay Bon­bon noong Abril 11. Si Tor­ral­ba o Ta­tay Si­soy ay pre­si­den­te ng Unyon sa Mag-uu­ma sa Agu­san del Nor­te at tat­long de­ka­da nang na­ki­ki­ba­ka pa­ra sa ka­pa­ka­nan ng mga mag­sa­sa­ka. Ka­bi­lang si To­ral­ba sa lis­ta­han ng mga in­di­bid­wal na inimbwel­to ng AFP sa reyd ng mga Pu­lang man­di­rig­ma sa isang de­tatsment sa Agu­san del Sur noong 2018. Si­nam­pa­han si­ya ng ga­wa-ga­wang ka­song kid­nap­ping at se­rious il­le­gal de­ten­ti­on.

Da­la­wang mag­sa­sa­ka rin ang di­na­kip ng mga pwer­sa ng es­ta­do sa Sout­hern Ta­ga­log at pinalabas na mga su­mu­kong upi­syal ng BHB. Ina­res­to si­na Lam­ber­to Asi­nas sa Ba­ra­ngay Bun­du­kan, Na­sug­bu, Ba­ta­ngas noong Abril 16; at si No­me­ria­no Fuer­te sa Ba­rok Per­las sa Sit­yo Tag­ba­kin, Mag­say­say, Ge­ne­ral Lu­na, Quezon Province noong Abril 13.

Sa Nueva Vizca­ya, ina­res­to ng mga pu­lis si Ro­nal­do Pu­li­do, ta­ga­pa­ngu­lo ng Alyan­sa ng Novo Vizca­ya­no pa­ra sa Ka­li­ka­san noong Abril 6. Isi­na­bay ang pang-aa­res­to sa pag­bu­wag sa ba­ri­ka­da ng mga re­si­den­te la­ban sa ope­ra­syong ng Ocea­na­gold. Agad din si­yang na­pa­la­ya sa su­mu­nod na araw dala ng pa­gig­gi­it ng kan­yang mga ka­ba­bar­yo.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/04/21/pang-aaresto-pambobomba-sa-panahon-ng-krisis-ng-covid-19/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.