Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2020): Malawakang pag-empleyo ng mga nars, iginiit
IGINIIT NG FILIPINO Nurses United na dapat kagyat at malawakang pag-eempleyo at pagsasanay ng mga nars at hindi lamang pagkuha sa kanila bilang mga boluntir ang ipatupad ng rehimeng Duterte para agapan ang krisis na dulot ng pandemyang Covid-19. Mayroon lamang 90,308 nars sa buong bansa, karamihan nakakonsentra sa Metro Manila. Nasa 31,000 lamang sa mga ito ang nasa mga pampublikong ospital. Lubhang kulang ang bilang na ito kahit bago pa kumalat ang sakit na Covid-19.
Dapat bigyan ng makatarungang sahod, mga benepisyo at katiyakan sa trabaho ang mga nars. Dapat gawin nang regular ang libu-libong mga nars na nananatiling kontraktwal sa mga pribado at pampublikong ospital.
Ayon sa ulat ng World Health Organizatiion, mayroong 536,331 na rehistradong nars sa Pilipinas nitong 2020. Nasa 200,000 sa kanila ang walang trabaho. Malalim itong balon na mapagkukunan ng mga propesyunal na manggagawang pangkalusugan. Kaugnay nito, iginiit ng grupo na hindi kailangan, at hindi nararapat, na pagbawalan ng rehimen ang mga nars at duktor na mangibang-bayan sa panahon ng pandemya. Labag ito sa kanilang karapatang bumyahe at magtrabaho. Dapat silang suportahan sa panahon ng pandemya dahil hindi lamang sila nawalan ng kita, wala ring katiyakan kung makababalik pa sila sa kani-kanilang mga ospital.
Dagdag dito, dapat bigyan pansin ang pagtaas ng sahod, katiyakan sa trabaho at mga benepisyo ng maraming boluntir sa mga barangay health center, ang mga frontliner sa kanayunan. Sa ngayon, pinakamataas nang natatanggap ng isang boluntir dito ang P4,000/buwan. Ang iba pang mga boluntir, laluna sa malalayong baryo, ay tumatanggap lamang ng P50 hanggang P150 kada buwan.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/04/21/malawakang-pag-empleyo-ng-mga-nars-iginiit/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.