Tuesday, April 21, 2020

CPP/Ang Bayan: Pananalasang militar sa Kabundukang Pantaron

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2020): Pananalasang militar sa Kabundukang Pantaron

Wa­lang ki­ni­la­lang pan­dem­ya at ti­gil-pu­tu­kan ang 10th ID ng Armed Forces of the Phi­lip­pi­nes sa pa­sis­tang kam­pan­ya ni­to sa ka­bun­du­kan ng Pan­ta­ron sa Min­da­nao. Mu­la Mar­so 24 hang­gang Abril 1, nag­lun­sad ng ma­la­wa­kang ope­ra­syong kom­bat ang da­la­wang ba­tal­yon ni­to (60th at 56th IB) sa mag­ka­nug­nog na mga sit­yo at ba­ra­ngay ng Lu­mad sa hang­ga­nan ng Agu­san del Sur, Bu­kid­non at Davao del Nor­te.

Noong Mar­so 24, ban­dang alas-6 ng uma­ga, inu­na­han ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bu­kid­non ang mga tro­pa ng 56th IB na pu­ma­sok sa ka­gu­ba­tan ma­la­pit sa Ba­ra­ngay Man­da­hi­kan sa Ca­bang­la­san, Bu­kid­non pa­ra sa­la­ka­yin ang pan­sa­man­ta­lang him­pi­lan ng mga Pu­lang man­di­rig­ma. Ma­ra­mi ang na­ma­tay na mga sun­da­lo du­lot ng pi­na­pu­tok na com­mand-de­to­na­ted explo­sive ng BHB. Sa ga­lit ng militar, bi­nom­ba ng 10th ID ang pa­li­gid ng ba­ra­ngay ga­mit ang FA-50 ban­dang alas-7 ng uma­ga. Apat na rocket at isang bom­ba ang pi­na­ka­wa­lan ng fighter jet. Si­na­ba­yan ito ng ng apat na be­ses na pam­bo­bom­ba ng mga kan­yon na na­kap­wes­to sa Lo­re­to, Agu­san del Sur. Pag­sa­pit ng alas-10:30 ng uma­ga, mu­ling nau­na­han ng BHB ang yu­nit ng mi­li­tar na su­mak­lo­lo sa unang gru­po. Mu­la ala-una ki­na­ha­pu­nan, nag­si­mu­lang umu­lan ang ba­la ng kan­yon sa pa­li­gid ng mga ko­mu­ni­dad. Bu­mag­sak ang mga bom­ba nang 330-400 met­ro ka­la­yo sa mga ko­mu­ni­dad at nag­du­lot ng ma­tin­ding ta­kot sa mga ba­ta.

Mu­ling bi­nom­ba ng AFP ang lu­gar noong Mar­so 27. Sa loob ng isang oras, nag­pa­ka­wa­la ito ng apat na rocket at 10 ba­la ng kan­yon. Nag­dag­dag ito ng anim pang ko­lum ng tro­pa na ihi­na­tid ng mga he­li­kop­ter. Tat­lo pang rocket at tat­long ba­la ng kan­yon ang pi­na­ka­wa­lan.

Si­nak­law ng ope­ra­syong kom­bat ang Sit­yo Min­dao, Ba­ra­ngay Mang­ga­od at mga sit­yo ng Uma­yan at Ma­ge­mon sa Ba­ra­ngay Man­da­hi­kan, Ca­bang­la­san, Bu­kid­non; Sit­yo Ta­pa­ya­non, Ba­ra­ngay Gu­pi­tan, Davao del Nor­te; at isa pang komunidad sa Lo­re­to, Agu­san del Sur.

Hi­git isang-ta­ong pag­du­ru­sa sa ila­lim ng 10th ID

Ma­ta­gal nang mi­li­ta­ri­sa­do ang ba­ha­ging ito ng Pan­ta­ron. Noong Mar­so 2019, pi­na­la­bas ng 60th IB ang ko­mu­ni­dad ng Ta­pa­ya­non bi­lang “ba­gong dis­kub­reng tri­bu” na “hin­di pa kai­lan­man naa­bot ng gub­yer­no.” Hin­di ba­le nang ilang taon nang nag­la­la­bas-ma­sok di­to ang mga tro­pa ng 67th IB, at re­gu­lar itong hi­na­ha­li­haw ng gru­pong pa­ra­mi­li­tar na Ala­ma­ra. Ka­tu­na­yan, pi­na­tay ng Ala­ma­ra ang da­tu ng sit­yo na si Lo­ren­do Pocoan noong Peb­re­ro 4, 2017.

Pi­na­la­bas ng 10th ID ang Ta­pa­ya­non bi­lang “ba­gong dis­kub­re” pa­ra ga­mi­tin itong “showca­se” ng Re­gio­nal Task Force-End Local Com­mu­nist Armed Conflict. Su­nud-su­nod na pi­nun­ta­han ng ma­taaas na upi­syal mi­li­tar at myembro ng ga­bi­ne­te ni Du­ter­te ang sit­yo pa­ra mag­pa­ku­ha ng lit­ra­to. Na­mud­mod di­to ng pag­ka­in, pe­ra at pro­yek­to ang iba’t ibang ahen­sya ng gub­yer­no, ka­pa­lit ng “pag­su­ren­der” ng mga re­si­den­te at pag­sa­long ng ka­ni­lang mga ga­wang-ba­hay na ar­mas.

Ba­go pa­su­kin ang er­ya, bi­nom­ba at ki­nan­yon ng mga pwer­sa ng 10th ID ang mag­ka­ka­nug­nog na sit­yo pa­ra ti­ya­king ma­ma­ya­ni ang ta­kot sa mga na­ni­ni­ra­han di­to. Sa ulat ng mga re­si­den­te, uma­bot sa 10 bom­ba at di ma­bi­lang na ba­la ng kan­yon ang ipi­nau­lan di­to sa pa­na­hong iyon. Pi­na­sok ng 200 sun­da­lo ang sit­yo at hi­nim­pi­lan ang git­na ng ka­ba­ha­yan. Ilang pamilya ang nag­bak­wit dahil dito. Hanggang noong Ene­ro, 35 pang pamilya (169 indi­bidwal) ang hindi pa nakababalik sa sityo at nananatili sa harap ng kapitolyo sa Malaybalay City. Da­ting ba­ha­gi ng Ca­bang­la­san ang Ta­pa­ya­non.

Mu­la noon, ipi­nai­la­lim na ng 10th ID sa per­ma­nen­teng lockdown ang sit­yo. Pi­ni­gi­lan ng mga sun­da­lo ang 105 pa­mil­yang na­ka­ti­ra ri­to (525 in­di­bid­wal) na lu­ma­bas sa lu­gar ka­hit pa­ra bu­mi­li ng ka­ni­lang mga pa­nga­ngai­la­ngan. Pwer­sa­hang “pi­na­su­ren­der” ang buong ko­mu­ni­dad, ka­hit ang mga ba­ta na pi­na­la­bas ni­lang mga “ba­tang man­di­rig­ma.” Hin­di pi­na­ya­gang pu­mun­ta sa ka­ni­lang mga aba­ka­han ang mga mag­sa­sa­ka, da­hil “mag­su­sum­bong” la­mang daw sila sa BHB. Pwer­sa­han ni­lang pi­na­pi­pi­la sa ha­rap ng de­tatsment ka­da Sa­ba­do ang mga ba­ba­eng Lu­mad, may-a­sa­wa man o da­la­ga, pa­ra pag­pi­li­an at ga­ha­sa­in. Sa ma­ta­gal ni­lang oku­pa­syon ng sit­yo, ma­ra­ming bi­nun­tis ang mga sun­da­lo at ma­ra­ming pa­mil­ya ang ka­ni­lang wi­na­sak. Pi­na­ro­ron­da ni­la ang mga la­la­king Lu­mad at gi­na­wang mga ali­pin sa kam­po mi­li­tar bi­lang ta­ga­ku­ha ng pang­ga­tong, ta­ga-i­gib at gwardya sa ga­bi. Pi­nag­su­su­ot ni­la ang mga ito ng uni­por­meng sun­da­lo at pwer­sa­hang ni­rek­rut sa CAFGU.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/04/21/pananalasang-militar-sa-kabundukang-pantaron/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.