Tuesday, April 21, 2020

CPP/Ang Bayan: Pag­ba­ba­yad-u­tang, inuu­na kay­sa ka­pa­ka­nan ng ma­ma­ma­yan

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2020): Pag­ba­ba­yad-u­tang, inuu­na kay­sa ka­pa­ka­nan ng ma­ma­ma­yan

BINATIKOS NG PARTIDO Ko­mu­nis­ta ng Pi­li­pi­nas (PKP) ang re­hi­meng Du­ter­te sa pag­tang­gi ni­tong kan­se­la­hin ang pag­ba­ba­yad-u­tang ng ban­sa sa mga im­per­ya­lis­tang insti­tu­syong pam­pi­nan­sya sa ha­rap ng pan­dem­yang Covid-19.

Pag­ma­ma­ti­gas ni De­part­ment of Fi­nance Sec. Sonny Do­mi­nguez, hindi man lang sumagi sa isip nila na gawin ito. Ito ay ka­hit pa pal­pak ang ka­ni­lang mga prog­ra­ma at wa­lang ini­la­la­an na sa­pat na ayu­da pa­ra sa ma­ma­ma­yan. Ipi­na­ha­yag ni­ya ito ma­ta­pos sus­pen­di­hin ng Inter­na­tio­nal Mo­ne­tary Fund ang pag­ba­ba­yad-u­tang ng 25 ban­sang apek­ta­do ng pan­dem­ya.

Anang PKP, ang pu­si­syon ni Do­mi­nguez ay nag­papa­tu­nay sa kontra-ma­ma­ma­yang mga pa­ta­ka­ran at pra­yo­ri­dad ng re­hi­men. Im­bes na una­hin ang pa­nga­nga­i­lang­an at ka­pa­ka­nan ng ma­­ma­ma­yan na nga­yo’y sad­­lak sa kri­sis, mas inuu­na ng re­hi­men na pa­na­ti­li­hin ang ma­ta­as na tiwala ng mga insti­tu­syong nag­pa­pa­u­tang nang sa ga­yo’y pa­tu­loy pa itong ma­ka-utang sa hi­na­ha­rap. Nga­yong taon, nag­la­an ang re­hi­men ng P285.8 bil­yon bi­lang pamba­yad sa mga dayong utang ni­to. Pi­na­ka­ma­la­ki ri­to ang ma­pu­pun­ta sa Asi­an Deve­lop­ment Bank (P37.7 bil­yon) at World Bank (P23.8 bil­yon), at sa mga gubyerno ng Ja­pan (P22.4 bil­yon), Chi­na (P1.2 bil­yon), at US (P950 mil­yon).

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/04/21/pagbabayad-utang-inuuna-kaysa-kapakanan-ng-mamamayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.