Tuesday, April 21, 2020

CPP/Ang Bayan: Ma­du­gong si­ga­lot du­lot ng ekspan­syon ng plan­ta­syon

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2020): Ma­du­gong si­ga­lot du­lot ng ekspan­syon ng plan­ta­syon

Pang-aa­gaw ng isang dam­bu­ha­lang ag­ri­bis­nes sa lu­pa­in ng mga mag­sa­sa­kang Ti­ru­ray at Mo­ro ang san­hi ng ma­du­gong sig­a­lot sa ba­ra­ngay Ka­la­mo­ngog sa ba­yan ng Le­bak, Sul­tan Ku­da­rat.

Uma­bot sa isang li­bong re­si­den­te ng ba­ra­ngay ang lu­mi­kas da­hil sa pag­sik­lab ng la­ba­nan noong Mar­so. Sa ha­lip na ayu­da, mga pwer­sa ng 6th IB at PNP ang ipi­na­da­la sa lu­gar pa­ra ti­ya­kin uma­no ang se­gu­ri­dad di­to. Nang­ya­ri ito sa git­na ng kri­sis na ki­na­ka­ha­rap sa pa­na­hon ng lockdown.

Tu­min­di ang si­ga­lot sa lu­gar da­hil sa pang­hi­hi­ma­sok ng La­pan­day Foods Cor­po­ra­ti­on, isang hi­gan­teng kum­pan­yang pag-aa­ri ng pa­mil­yang Lo­renzo. Ma­la­king bur­ge­sya kum­pra­dor ang pa­mil­yang Lo­renzo at ki­la­la sa ka­ni­lang pa­ki­ki­pag­ma­bu­ti­han sa si­nu­mang na­sa po­der. Ma­hi­git isang taon na bu­hat nang um­pi­sa­han ng kum­pan­ya ang ope­ra­syon ng plan­ta­syon ng sa­ging ni­to sa na­sa­bing lu­gar. Ni­lin­lang ng kum­pan­ya ang ilang mga re­si­den­te na iben­ta o ka­ya’y pau­pa­han ang ka­ni­lang mga lu­pa ka­pa­lit ng ha­la­gang ma­ta­tang­gap at pa­nga­kong tra­ba­ho. Pe­ro hin­di la­hat ay na­kum­bin­se at may ilang ma­la­la­king pa­mil­ya ang tu­mu­tol sa pag­pa­sok ng plan­ta­syo­n.

Nag­ta­la­ga ang plan­ta­syon ng mga ar­ma­dong gwardya na su­por­ta­do ng AFP. Bi­nig­yan din ng tra­ba­ho ang ilang pu­ma­pa­bor sa ka­ni­lang ope­ra­syo­n. Inud­yu­kan ang mga ito ng kum­pan­ya pa­ra ba­wi­in ang mga lu­pa­ing ma­ta­gal nang si­na­sa­ka ng ilang tu­mu­tu­tol bi­lang ba­ha­gi uma­no ng ka­ni­lang ina­ang­king lu­pang ni­nu­no.

Nag­ta­gum­pay ang kum­pan­ya na pag-a­way-a­wa­yin ang mga re­si­den­te. Mas tu­min­di pa ang gu­lo ma­ta­pos pas­la­ngin noong na­ka­ra­ang taon ang noo’y kapitan ng ba­ra­ngay na si Dios­da­do M. Eleazar na ki­la­lang tu­mu­tu­tol sa pag­pa­pa­la­wak ng plan­ta­syo­n. Inilahad ng mga re­si­den­te na mga ar­ma­dong maton ng kum­pan­ya ang may kagagawan ng krimen subalit wa­lang gi­na­wa ang lo­kal na pa­ma­ha­la­an at PNP pa­ra hu­li­hin at pa­na­gu­tin ang mga sa­la­rin.

Hu­ma­li­li sa pwes­to ang unang ka­ga­wad na si Hai­ru­din Ta­to Gu­bel na isa ring kri­ti­ko ng plan­ta­syo­n. Siya rin ay pi­nas­lang ng mga maton ng kum­pan­ya noong Mar­so 17. Hu­ma­li­li bi­lang pansamantalang pinu­no ng ba­ra­ngay si No­lasco Za­mo­ra Ado, isang tau­han ng kum­pan­ya.

Pi­na­la­la­bas na la­ba­nan uma­no ng mga angkang Ti­ru­ray at Mo­ro ang na­ga­ga­nap sa Ka­la­mo­ngog. Sa isang in­terbyu sa rad­yo, ma­ri­ing ibi­nin­tang ni No­lasco Ado, OIC ng ba­ra­ngay, sa mga ka­mag-a­nak ni Hai­ru­din Ta­to Gu­bel ang in­si­den­teng pa­ma­ma­ril noong Mar­so 25 sa Sit­yo Kia­tong. Igi­ni­it din ni­yang pu­li­ti­kal ang mo­ti­bo ng nang­ya­ya­ring ka­gu­lu­han.

Nababahala ang mga mag­sa­sa­ka ri­to na kung ti­tin­di pa ang si­ga­lot ay ma­pi­pi­li­tan si­lang lu­mi­kas at ti­yak na tu­lu­yan nang ma­ku­ku­ha ng kum­pan­ya ang ka­ni­lang lu­pa.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/04/21/madugong-sigalot-dulot-ng-ekspansyon-ng-plantasyon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.