Wednesday, October 9, 2019

CPP/Ang Bayan: P30,000 sahod, iginiit ng mga guro

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 7, 2019): P30,000 sahod, iginiit ng mga guro


AABOT SA 5,000 mga guro, empleyado ng gubyerno at manggagawang pangkalusugan ang nagmartsa noong Oktubre 4 tungong Mendiola upang igiit sa rehimeng Duterte na tuparin na ang pangako nitong dagdag sahod. Sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), nagbuo ang mga guro ng pormasyon sa hugis ng “30K” bilang simbolo ng kanilang kampanyang itaas ang sahod tungong P30,000 para sa bagong empleyong mga guro.

Ayon naman sa All Government Employees Unity, makabuluhang dagdag-sahod ang dapat na ipatupad at hindi baryang umento. Bukod sa P30,000 para sa mga bagong empleyong guro, hinihingi rin nila na ipatupad ang P16,000 pambansang minimum na sahod para sa mga kawani at P31,000 na buwanang sahod para sa mga propesor sa kolehiyo.

Binatikos ng ACT ang inihain sa pambansang badyet ng 2020 na P61 dagdag sahod kada araw para sa mga guro. Sa kasalukuyan, mayroong 800,000 bagong empleyong mga guro. Tumatanggap sila ng P20,754 na buwanang sahod. Daing ng mga guro, bukod sa pasan nila ang dami ng trabaho, higit na pahirap ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kaltas sa mga batayang serbisyo.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/10/07/p30000-sahod-iginiit-ng-mga-guro/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.