Patay sina Lito Aguilar, 33, at Christopher Abraham, 31, mga magsasaka ng abaka, matapos pagbabarilin ng pinagsanib na tropa ng 83rd IB at PNP Catanduanes Provincial Mobile Force Company sa Barangay Taopon, Panganiban, Catanduanes noong madaling araw ng Setyembre 22. Sugatan naman sina Jimmy Sierra, Joseph Torado at Jomarie Calderon.
Matapos ang krimen, nagtanim ng ebidensyang riple ang mga sundalo at pinalabas na mga myembro umano ng Bagong Hukbong Bayan ang dalawa. Mariin itong pinabulaanan ng mga residente ng baryo. Ayon sa kapitan ng barangay, magkakapamilya ang limang biktima at nangingisda lamang sa ilog para sa kasal ni Aguilar.
Sa Sibagat, Agusan del Sur noong Setyembre 14, pinagbabaril ng nag-ooperasyong mga tropa ng 29th IB at mga Scout Ranger si Datu Carlito Anduhuyan sa Sityo Dandanon, Barangay Kolambugan sa naturang bayan. Nakaligtas sa pamamaril ang kasama niyang si Jhonny Boy Dandanon. Nagtanim din ng ebidensyang riple ang mga sundalo at ibinalita na kasapi ng BHB ang kanilang napatay.
Taliwas dito, iginiit ng mga kapamilya at kabarangay ng biktima na sibilyan si Anduhuyan. Nagpunta lamang ang mga biktima sa bundok upang maglagari ng kahoy.
Iligal na pag-aresto. Pitong aktibista ang iligal na inaresto sa isang tsekpoynt ng pinagsanib na tropa ng AFP at PNP sa Puerto Princesa, Palawan noong Oktubre 4, alas 8:30 ng gabi. Kabilang sa inaresto ang dating tagapagsalita ng Karapatan-Southern Tagalog na si Glendyhl Malabanan. Ginamit laban sa kanya ang isang mandyamento de aresto na may mga nakalistang alyas. Hindi kabilang sa listahan ang kanyang pangalan.
Inaresto si Malabanan matapos maglunsad ang grupo ng imbestigasyon sa naiulat na paglabag ng AFP sa karapatang-tao ng mga magsasaka sa bayan ng Taytay.
Sa Navotas City noong Setyembre 22, iligal na inaresto, ikinulong at binugbog ng mga pulis si Nardric Poras, 17, myembro ng Kadamay-Metro Manila. Ito ay matapos niyang isugod sa ospital ang sugatang kapitbahay na tinamaan ng bala sa isang operasyong “kontra-droga” ng mga pulis. Inakusahan si Poras na nagbebenta umano ng iligal na droga.
Inaresto naman ng 20th IB sina Christian Sabado, Anton Manoso at Edson Piczon noong Oktubre 2, alas-11 ng umaga sa Barangay San Francisco, Las Navas, Northern Samar. Ang tatlo ay mga myembro ng Northern Samar Small Farmers’ Association na nagsasagawa ng pagsisiyasat hinggil sa paglaganap ng peste na lubhang puminsala sa mga sakahan sa prubinsya, partikular sa Catubig at Las Navas.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2019/10/07/2-magsasaka-ng-abaka-pinatay-sa-catanduanes/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.