Wednesday, October 9, 2019

Tagalog News: Mga pinaghihinalaang NPA sa Palawan, nasampahan na ng kaso

From the Philippine Information Agency (Oct 9, 2019): Tagalog News: Mga pinaghihinalaang NPA sa Palawan, nasampahan na ng kaso



Kinumpirma ng Palawan Task Force-ELCAC sa isang press conference na nasampahan na ng mga kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516 ang pitong nahuling pinaghihinalang mga miyembro ng NPA sa Palawan kamakailan. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan -- Nasampahan na ng kaso sa Office of the City Prosecutor (OCP) sa Puerto Princesa ang pitong mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) na nahuli ng mga otoridad noong Oktubre 4.

Ito ang kinumpirma ng bumubuo ng Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa isang press conference na isinagawa sa Kapitolyo na pinangunahan ni Vice Gov. Victorino Dennis M. Socrates bilang kinata ni Gov. Jose Ch. Alvarez, Chairman ng PTF-ELCAC, BGen. Charleton Sean Gaerlan, Commander-3rd Marine Brigade para sa Peace, Law Enforcement and Development Support (PLEDS) Cluster at Atty. Vincent Escala ng Provincial Legal Office.

Sa pahayag ng PTF-ELCAC, naisampa ang kaso noong Oktubre 6, 2019 ng umaga matapos maipresenta lahat ng ebidensiya sa Office of the City Prosecutor sa pangununa ni City Prosecutor Carmelina C. Guevarra at ni Asst. City Prosecutor Arabella Maladaga-Pe.

Ang kasong isinampa sa pitong suspek ay ang paglabag sa Republic Act (RA) 10591 at Republic Act (RA) 9516 o itong illegal possession of firearms and explosives.

Matapos masampahan ng kaso at sumailalim sa eksaminasyong medikal ay nailipat na ang mga ito sa Puerto Princesa City Jail kahapon.

Ayon kay BGen. Gaerlan, dahil sa sinasabi ng mga suspek na sila ay mga ‘human rights workers’ sa ilalim ng Karapatan Southern Tagalog kung kaya’t hinahamon ng PTF-ELCAC ang grupong Karapatan na klaruhin kung ang mga naarestong pinaghihinalaang miyembro ng NPA ay totong miyembro nila at kung hindi naman ay hinihikayat ng PTF-ELCAC ang mga miyembro ng Karapatan na makiisa sa isinusulong na kapayapaan para sa hangaring mawakasan ang insurhensiya sa bansa at kondenahin ang mga gawaing terorismo ng komunistang NPA. (OCJ/PIA-MIMAROPA/Palawan)

https://pia.gov.ph/news/articles/1028413

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.