LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte -- Nasa 30 dating miyembro ng rebeldeng grupo na New People's Army o NPA sa Surigao del Norte ang nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang mga sumuko ay may P15,000 immediate cash assistance at P10,000 mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD. Binayaran din ng pamahalaan ang mga armas na kanilang isinuko depende sa uri at kalidad nito.
Ang pagkaloob ng tulong-pinansyal ay pinangunahan mismo ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Jr., cabinet officer for the regional development and security (CORDS) - Caraga region Cabinet Secretary Carlo Nograles, at iba pang opisyal kasabay sa isinagawang Barangay Summit sa lungsod ng Butuan.

National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Jr.
“Ang ating gagawin, lahat ng departamento ay magbibigay ng kontribusyon. Sama-sama ang ating pagpaplano kasi ang target natin ngayon o ang ating tutulungan ay ang barangay. Diyan natin gagamitin at ipalaganap ang community support program o CSP,” sabi ni Esperon.
Inaasahan ring maibibigay sa kanila sa lalong madaling panahon ang P50,000 na livelihood assistance at P20,000 na reintegration assistance na kasalukuyang pinuproseso na.
Isa sa mga nabigyan ng tulong ay naging sundalo na ngayon.
“Malaki ang pasasalamat ko po sa ating mahal na pangulong Rodrigo Duterte at sa Philippine Army dahil binigyan kami ng oportunidad bilang isang former rebel na magiging isang sundalo. Hindi ako tinalikuran ng ating gobyerno at ako’y natulungan. Kung kayo man ay tutulad sa akin na nagbalik-loob, ganun din ang magyayari sa inyo. Ang nakamit ko ngayon bilang isand sundalo ay gayun din ang mararating ninyo,” sabi ni alyas Abdul.
Ipinaabot rin ni alyas Raymund ang kanyang pasasalamat sa ayudang natanggap.

Cabinet Secretary Carlo Nograles, cabinet officer for the regional development and security (CORDS) - Caraga region.
“Maraming salamat sa 30th Infantry Battalion dahil sa tulong ng mga sundalo. Binigyan nila ako ng pag-asang maayos ang aking masalimuot na buhay. Tinulungan nila akong makapagtapos sa ninanais kong kurso,” sabi ni alyas Raymund, 21 taong gulang.
Ayon kay Cabinet Secretary Nograles ay may 800 miyembro ng NPA sa Surigao del Norte ang inaasahang susuko.
“May mga inaasahan pa tayong mga miyembro ng rebeldeng grupo ang tuluyan ng susuko at hangad na magbagong buhay. Ito ay malinaw na indikasyon na positibo ang ating mga ginagawang hakbang at kampanya laban insurhensiya,” sabi ni Sec. Nograles.
Patuloy ang kampanya ng gobyerno laban sa mga rebeldeng grupo at hinihimok ang mga ito na magbalik-loob na at mamuhay ng payapa. (VLG/PIA-Surigao del Norte)
#ELCAC #EO70 #EndLocalCommunistsArmedConflict
https://pia.gov.ph/news/articles/1027739

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.