Tuesday, September 24, 2019

CPP/Ang Bayan: Kadete ng PMA, patay sa hazing

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 21, 2019): Kadete ng PMA, patay sa hazing

NOONG SETYEMBRE 18, naiulat na namatay dahil sa tinamong pambubugbog sa hazing ang isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na si Darwin Dormitorio, 20, mula sa Cagayan de Oro. Ayon sa awtopsy, nawasak ang lamang loob ng biktima at posibleng kinuryente.

Isasailalim din sa imbestigasyon ang ilang upisyal ng PMA dahil sa tangkang pagtakpan ang tunay ng dahilan ng pagkamatay ng biktima. Unang pinalabas ng PMA na urinary tract infection ang sanhi ng pagsusuka ng dugo at pananakit ng tiyan ng biktima na kalauna’y ikinamatay niya. Nasa kostudiya pa rin ng PMA ang tatlong kadeteng pinaghihinalaang nanguna sa hazing.

Ang hazing ay isang pasistang tradisyon sa PMA kung saan pisikal at mental na tinotortyur ang bagong mga kadete bilang paghahanda umano sa kahirapan na maaari nilang maranasan sa panahong sila’y maging ganap nang mga sundalo. Ibinatay ito sa “initiation ritual” ng United States Military Academy West Point.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/09/21/kadete-ng-pma-patay-sa-hazing/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.