Tuesday, September 24, 2019

CPP/Ang Bayan: Protesta laban sa panunupil

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 21, 2019): Protesta laban sa panunupil

ISANG “ROGUE GALLERY” o koleksyon ng larawan ng mga pangunahing suspek sa mga paglabag sa karapatang tao ang ipinaskil ng mga nagpoprotestang aktibista sa himpilan ng Commission of Human Rights (CHR) noong Setyembre 12. Isinabay ang pagkilos sa pagdinig ng CHR hinggil sa mga atake ng estado sa mga mamamayan.

Dumalo sa nasabing pagdinig ang mga upisyal ng AFP at PNP. Para bigyang katwiran ang kanilang mga krimen, maging dito ay lantaran nilang binansagan ang mga progresibong grupo bilang ligal na prente ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Ayon kay Roneo Clamor ng Karapatan, ang pagpapalaganap ng malisyosong propaganda ng AFP ay bahagi ng kampanya ng National Task Force to End Local Communist Insurgency. Patuloy silang nagpapakalat ng disimpormasyon upang isapanganib ang buhay at kabuhayan ng mga tagapagtanggol ng karapatang tao, aktibista, magsasaka, abugado at iba pa.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/09/21/protesta-laban-sa-panunupil/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.